"You're awake," sabi ng malamig na boses na narinig ko pagkabukas ko ng aking mga mata.
Ang sakit ng ulo ko. Teka, ano ba ang nangyari?
"Nasaan ako?" tanong ko at tumingin-tingin sa paligid.
Puting pader. Puting kisame. Puting kama. Puti lahat.
Ah, nahimatay nga pala ako dahil sa sobrang pagod at stress. Gusto ko biglang umiyak pero nang makita ko si Lanzeus Empreso na kanina pa ata nakatingin sa akin ay biglang umurong ang mga luha ko.
"Good afternoon," bati ko sa kanya at dahan-dahang ngumiti pero nawala iyon nang sumagot siya.
"Gabi na."
Napatingin ako bigla sa bintana. "Ah, e 'di good evening."
Hindi siya sumagot.
Ang gulo niya naman. Itatama niya ako tapos hindi naman pala siya sasagot.
Biglang tumahimik ang apat na sulok ng kwarto. Kinagat ko ang labi ko at hinintay siyang magsalita pero lumipas na ang sampung minuto at wala pa rin akong naririnig galing sa kanya. Kahit ang pag hinga niya ay hindi ko marinig. Nakatutok lang siya sa cellphone niyang may apat na camera sa likod.
Ako ba dapat ang unang magsalita? Anong sasabihin ko?
Nahiya ako bigla. Bakit ko ba naisip na lapitan siya at pumayag sa alok niya sa 'kin?
Wala na talagang choice, Jazel? Sigurado ka na ba dito sa papasukan mo?
Pa-simple akong bumuntong hininga at kinuha ang cellphone ko. Tulad ng inaasahan ay marami akong missed calls at text messages na nakuha galing kay Pia.
Binasa ko ang ilan sa mga mensaheng pinadala niya. Ang laman no'n ay puro quotes na nakuha niya sa google, pampagaan daw ng loob.
Paano gagaan ang loob ko, e, puro sama ng loob nga nakukuha ko.
Bumuntong hininga ako ulit at tumikhim. Tumingin ako sa lalaking kanina pa hindi nagsasalita at prenteng nakaupo lang sa sofa.
"S-sir," panimula ko. "Salamat ho sa pag dala sa akin dito."
Napunta sa akin sandali ang atensyon niya pero agad niya ring binalik sa hawak niyang cellphone. Hindi man lang siya tumango! Wala talaga siyang sinabi.
Gusto kong umirap. Bingi ba 'to?
"Wala ka bang sasabihin?" tanong ko bigla.
"Wala." Medyo nagulat ako sa pag sagot niya. Akala ko kasi hindi pa rin siya magsasalita. "Hindi ba ikaw 'yung dapat may sabihin?" dadag pa niya.
Sabi ko nga. Ako nga. Pero paano ko kasi sisimulan?
Kailangan kong kapalan ang mukha kong matagal namanang makapal. Para ito sa pera. Pera na ipanggagamot ko sa Tatay ko. Kung hindi ako gagawa ng paraan gayong may nahanap na ako, baka pagsisihan ko sa huli.
"Payag na ako," mahina kong sabi.
"Payag?"
Tumango ako. "Doon sa offer mo. Be your wife? E-easy. B-basic."
Hindi ko alam kung natatawa ba siya o ano dahil biglang umangat ang gilid ng labi niya.
Kinakabahan ako sa pinapasok ko ngayon. Pero naisip kong wala naman sigurong masama na mangyayari kapag pumayag ako sa gusto niya? Hindi naman ito pang habang buhay. Wala naman akong boyfriend at wala rin akong pakialam sa sasabihin ng mga tao dito kasi hindi naman nila ako kilala at hindi ko rin sila kilala.
"Sigurado ka?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako ng wala sa oras bago sumagot. "Oo."
"Really? Naisip mo bang baka magsisi ka?"
Tumaas ang kilay ko. "Teka, parang kahapon lang pinipilit mo ako, ah."
"Pinilit ba?"
"Oo," sagot ko. "At saka, alam kong maaari kong pagsisihan ang pagdidisisyon ko nang padalos-dalos pero kailangan ko ng pera ngayon kaya hindi ko muna iisipin 'yon."
Bigla siyang ngumisi. "You are really something."
Hindi ako sumagot at umiwas na lang ng tingin.
"I will pay you the exact amount that you want, just do and follow the things I will tell you." aniya nang hindi na ako muling nagsalita.
"Teka," bigla kong sabat. "Hindi naman siguro masama ang ipapagawa mo sa 'kin, ano? Gusto ko lang linawin na pagiging asawa mo lang ang trabaho ko."
"Bakit? May iba pa ba akong sinabi?" tanong niya.
"Wala," sagot ko. "Naninigurado lang. Baka gawin mo akong taga benta ng drugs o ano."
Nakita ko ang pag taas ng kilay niya. "The f*ck am I going to do with drugs?"
Nagkibit balikat ako. "Baka gawin mong ulam."
"Don't talk to me like that, Heaven."
"Jazel," pagtatama ko.
"Heaven."
"Sir, bingi ka ba?"
"No."
"Jazel ho itawag niyo sa akin."
"I will call you the name I want to call you."
Ah, decision making.
Natigil kami sa pag-uusap nang may pumasok na nurse at sinabing pwede na akong lumabas dahil wala namang masama na nangyari sa katawan ko.
Syempre, si Sir Lanzeus ang nagbayad ng bills. Siya naman ang nagdala sa 'kin dito. Hindi ko naman sinabing dalhin niya ako sa hospital, e, nahimatay lang naman ako. Tuloy napagastos siya sa mahal na hospital na 'to.
"Mauna ka na sa Blink. May pupuntahan pa ako," aniya nang makalabas kami ng hospital. Nakasuot siya ng shades kahit madilim naman ang paligid.
Sasagot na sana ako pero naglakad na siya palayo. Baka pupuntahan niya ang sasakyan niya. Nag kibit-balikat na lang ako at pumara ng taxi papunta sa Blink Shop.
Gabi na kaya wala na akong nakitang costumer pero bukas pa rin ang shop, 'yun nga lang wala rin akong nakita ni isang staff. Iniiwan ba nilang nakabukas ito kahit walang tao?
Umupo ako sa upuan na malapit sa glass wall at doon hinintay si Sir Lanzeus. Hindi ako mapakali. Gusto ko nang tawagan si Pia at kamustahin si Tatay pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko munang masigurado ang magiging kasunduan namin ni Sir Lanzeus bago ako tumawag sa kaibigan ko.
Pinipigilan ko ang antok habang mag isang naghihintay sa loob ng shop. Nakatingin ako sa kalsada at pinapanuod ang mga dumadaan habang nakapatong ang pisnge ko sa palad ko.
"Ang tagal," bulong ko nang makita ang orasan sa counter.
Tumayo ako at nag lakad-lakad. Sa gilid ng shop ay may nakalagay na malaking black board. Nakasulat doon ang pangalan ng shop at sa gilid ng malalaking letters ay mga sticky notes na dinikit ng mga costumers.
Bigla akong napa-isip. Bakit naging Blink ang pangalan ng Shop na 'to? Si Sir Lanzeus din kaya ang naka-isip? Maganda naman pero masyadong girly para sa lalaking may-ari.
"What are you doing?"
Napalingon ako sa nagsalita. Speaking of the devil, dumating na pala siya.
"Nakatayo ho," sagot ko.
"Alam ko. Nakikita ko."
"E, bakit niyo ho tinatanong?"
Hindi ko alam kung tatawa ba ako nang bigla na lang siyang umirap at naglakad papunta sa upuan na malapit.
Sumunod ako at umupo kaharap siya.
"You can ask now," panimula niya.
Umayos ako ng upo bago nagsalita. "Bakit ako ang inalok mo? Mayaman ka naman at sigurado akong marami kang kakilalang babae na mas maganda ang estado sa buhay."
"They are not suitable," sagot niya.
"Why?"
"Because they are rich. I am not looking for a rich woman. Mas pipiliin ko 'yong hindi kilala at mahirap."
Hindi ako umangal sa huli niyang sinabi. Totoo naman.
"Wala ka bang girlfriend?"
"Tingin mo?" balik niya.
"Kaya nga nagtatanong ho ako."
"Tsk. I am not stupid to make you as my wife kung meroon lang naman akong girlfriend."
Okay. E 'di maayos. Baka kasi isang araw magulat na lang ako dahil may babaeng hihila ng buhok ko at malaman-laman ko na lang girlfriend pala 'yon ng lalaking 'to.
"Bakit kailangan mo ng asawa?" tanong ko ulit.
Sumandal siya sa kinauupuan niya at tumingin ng deretso sa mga mata ko. "Kailangan lang."
"Kailangan sa ano? Gusto na ba ng mga magulang mo na mag-asawa ka pero wala kang maihaharap sa kanila kaya naghanap ka ng babaeng babayaran para mag panggap?"
Nasabi ko lang. Gano'n kasi madalas ang kinukwento sa akin ni Pia na nababasa niya sa mga romance novel.
"Just for business, Heaven," tipid niyang sagot. "Next question."
"What business?" Akala niya siguro makakatakas siya. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang dahilan.
"It's about my family's business. Hindi mo na kailangan malaman kung ano iyon," aniya.
"May karapatan akong malaman. Hindi biro itong pinapasok ko, Sir."
Napabuntong hininga siya, parang nawalan ng pag-asa at bigla na lang sumuko dahil narealize niyang tama naman ako.
"Do you have an idea about Empreso Empire?" tanong niya.
Empreso Empire? Saan ko ba narinig 'yon?
"Wala," sagot ko.
"Province people," bulong niya pa na narinig ko naman. Hindi na lang ako nagsalita kahit mukhang may problema siya sa katulad kong galing probinsya.
"Empreso Empire is owned by my father. I want to be the only heir of the Empire and the only way to have that is getting married," paliwanag niya na agad ko namang nakuha. Bigla akong napuno ng imahinasyon.
"E 'di ang yaman mo na no'n?"
"Matagal na akong mayaman," pagyayabang niyang sagot.
Natuwa ako. Ibig sabihin kayang-kaya niya talaga akong bayaran ng malaking halaga. Magpapanggap lang kami sa harapan ng mga magulang niya na parang totoong mag asawa.
"Hindi ba magtataka ang Tatay mo kapag nalaman niyang bigla ka na lang nagkaroon ng asawa? Hindi naman siya tanga siguro para isiping hindi mo ako binayaran?"
Gusto ko lang naman manigurado.
"Hindi niya malalaman, gagawa ako ng paraan," sagot niya. "Next."
"Gusto ko lang itanong kung gaano mo na ako kakilala."
Bumalik ulit ang tingin niya sa akin. Matagal bago siya sumagot at hindi ko alam kung bakit. Bakit niya naman pag-iisipan ang isasagot niya?
"You're father is in the hospital because of lung cancer, the reason that you need money that's why you're here, in front of me. You're mother died and your ex-boyfriend cheated on you. Your name is Jazel Heaven Villamor. 21. Hindi ka rin nakapag tapos ng pag-aaral."
Natulala ako sandali. Paano niya nalaman 'yon sa sobrang ikling panahon? Hindi naman alam ni Manang Tanya ang mga 'yon para gumaling sa kanya ang impormasyon. Ganito ba talaga ang mayayaman?
"Paano.... saan mo nakuha ang mga sinabi mo?"
Ngumisi siya. "Nagawa ko lang. May tanong ka pa ba?"
"Gusto kong magpakilala ka. Ang unfair naman kung ikaw lang ang may alam, hindi ba?" agad kong sabi.
Napatango siya. "Alright. Isesend ko na lang sa email mo ang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa akin."
"Wala akong email," sagot ko.
"Seriously?"
Tumango ako. Actually noon meron, pero hindi ko na maalala.
"Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang? Magka-usap na rin naman tayo."
"Marami pa akong gagawin, Miss Villamor. I am a very busy person."
Hindi ko naman tinanong 'yon. Ang layo ng sagot. Oo at Hindi lang naman ang kailangan ko.
"Paano ko makukuha ang ibabayad mo sa akin?" tanong ko na lang sa ibang bagay.
"I will pay your father's hospital bills hanggang sa gumaling siya. Lahat-lahat, sagot ko, kahit ilang milyon."
Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib nang marinig 'yon. Sa wakas. May solusyon na talaga ako para kay Tatay. Gusto kong umiyak pero hindi sa harap ng lalaking 'to. Nakakahiya.
"Hanggang kaylan ako magiging asawa mo?"
Tinapik-tapik niya ang daliri niya sa lamesa habang nag-iisip ng sagot. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.
"Depende."
Kumunot ang noo ko. "Bakit walang exact date?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi natin sure. Baka next year pa ibibigay ni Dad ang gusto kong makuha. Maybe next next year?"
"Seryoso?! Bakit ang tagal?"
"Don't over react, Heaven. Malaki ang ibabayad ko sa'yo, remember?"
Napabuntong hininga ako. Hindi na lang ako magrereklamo. Ang mahalaga may perang lumalabas at napupunta sa akin o sa tatay ko. Sapat na 'yon. Hindi naman siguro niya gugutomin ang asawa niya kaya hindi na ako mamomroblema ng kakainin ko.
"Our goal is so simple. Makuha ko lang ang gusto ko sa Daddy ko at wala nang iba. We just need to act, that's all." May tinulak siyang papel sa harapan ko na kanina pa nakapatong sa lamesa. Kanina na rin ako hindi makapaghintay na ibigay niya 'yon dahil gusto kong malaman kung anong meron doon.
"That's the paper you need to sign para mapalabas na kasal tayo. Just sign and I will do the rest," paliwanag niya.
Binasa ko ang nasa unang pahina at sinilip-silip ko na lang ang sumunod. Ang dami, baka abutin ako ng umaga kapag iisa-isahin ko 'to sa harapan niya.
"Safe ba 'to?" bigla kong tanong.
"Tss. Isn't the reason why we are here is for you to ask me things you want to know? I am not a scam, Heaven," sagot niya na may halong pagkainis ang boses.
Nagtatanong lang naman ako.
"I will see you tomorrow. Dapat napirmahan mo na lahat ng 'yan bukas ng umaga. I'll see you here before 8am and I don't want you to come late. Kung pwede alas sais ng umaga dapat nandito ka na."
"Anong gagawin ko dito ng gano'n kaaga?" reklamo ko.
"Malay ko."
Hindi talaga normal ang lalaking 'to. Siraulo.
"I have to go. Umuwi ka na rin," aniya at tumayo na.
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya nang maglakad siya papunta sa pinto ng shop.
Bigla akong may naalala. "Bakit walang nagbabantay dito?" tanong ko.
"Someone will close it when we're gone."
Tumango na lang ako at nagpaalam sa kanya pero hindi na siya lumingon. Pumasok siya sa kotse niyang mamahalin at umalis na.
Napatingin ako sa langit habang naglalakad palapit sa kalsada. Ang ganda ng panahon dahil puno ng bituin ang kalangitan.
Aaminin kong nabawasan kahit papaano ang bigat na naramdaman ko simula noong dumating ako dito sa Maynila. Ewan ko ba pero parang naging pag-asa para sa akin ang pag alok ni Sir Lanzeus kahit noong una ay umaayaw ako.
Sino ba namang papayag agad? Wala naman akong idea na si Manang Tanya ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa akin. Isa pa ay ayaw kong pumayag agad-agad dahil baka may iba pang paraan at hindi ko na kailangan maging bayarang babae para mag panggap na asawa ng isang taong hindi ko naman kilala.
Tumawag ako kay Pia at sinabing nakahanap na ako ng trabaho. Sinabi ko rin na mababayaran ko na ang pang operasyon ni Tatay bukas agad kaya napatili siya sa sobrang saya.
"Ang sayaaaaaa! Anong trabaho mo?"
Doon ako natigilan. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Knowing Pia, alam kong mag-rereact siya ng bongga kapag nalaman niya ang pinasok kong trabaho. Mas mabuti na ring hindi niya alam kaya nagsinungaling na lang ako.
"Secretary lang."
Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangiti siya sa kabilang linya.
"E 'di maganda! Gwapo ba boss mo? Baka papa pogi, pa-reto!"
Natawa ako. "Tanga. Matanda 'yong boss ko."
"Sugar Daddy!"
"Tumugil ka nga, Pia. Mag review ka na lang," sagot ko.
Nagpaalam na siya nang pinaalala ko sa kanya na kailangan pa niyang mag review. Ako naman ay kumain na ng hapunan bago umupo sa lumang silya at kinuha ang papel na binigay sa akin Sir Lanzeus.
Binasa ko lahat ng iyon kahit antok na antok na ako. Ang iba ay paulit-ulit lang kaya hindi na gano'n karami. Pinirmahan ko na rin lahat bago ko itinabi at pinikit ang mga mata ko.
Nagising ako kinabukasan dahil sa boses ni Manang Tanya. Tinatawag niya ako mula sa labas.
"Jazel, hija, may dala akong adobo para sa agahan mo."
Napakamot ako sa ulo ko at pinilit na minulat ang aking mata. Inaantok pa talaga ako.
"Sandali, Manang."
Pumikit ako ng mariin bago pinilit ang katawan kong umalis sa kama. Baka hindi ko mapigilan at makatulog ako ulit kahit alam kong may taong nasa labas.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Manang Tanya. May bitbit siyang bowl na may lamang adobo. Nagutom ako bigla sa amoy ng dala niya.
"Oh, ayan. Gusto ko lang humingi ng tawad kasi masyado akong nangingialam sa buhay mo. Ayaw kong sumama ang loob mo sa akin kaya pinagluto kita," aniya at ngumiti.
Hindi ko rin napigilan ang pag ngiti pabalik. "Ayos na manang. Sa totoo nga nagpapasalamat ako kasi 'yon ang naging huling choice ko."
"Tinanggap mo na ang alok ni Lanz?" excited niyang tanong.
Tumango ako kaya napalakpak siya.
"Mabuti kong gano'n. Nakooo! Sigurado akong magkakasundo kayong dalawa. Mabait ang batang iyon."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi mo sure, Manang.
"Oh sige, kumain ka na at baka may gagawin ka pa mamaya. Tanghali na, huwag kang magpapalipas ng gutom."
Pagkabanggit niya ng 'tanghali' ay biglang nawala ang antok sa katawan ko.
"A-anong oras na, Manang?" tanong ko.
"Alas nuebe na----"
"Bye na ho, maliligo na ako!" putol ko sa sagot niya at kinuha ang tuwalya ko bago tumakbo papunta sa banyo.
Lagot ako sa Empreso na 'yon!
-
"Ang aga mo, Miss Villamor."
Hingal na hingal ako nang makarating sa Blink Shop. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na nakain ang adobo ni Manang Tanya kaya habang nasa jeep ako ay panay ang pagkulo ng tiyan ko.
"Traffic, Sir." Palusot ko.
"That is why I told you to come early para hindi ako ang maghihintay but look what happened now."
Kinagat ko ang labi ko at hindi na lang sumagot. Ayoko na lang makipagtalo baka bigla na lang niya akong palayasin dito sa Shop niya. Tuwang-tuwa pa naman sina Jacob noong nakita ako kanina.
"Hand me the papers."
Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya.
"Matatapos na 'to bukas. You can go now if you don't have questions."
Tsk. Hindi ako kumain para lang makapunta dito agad tapos ganito lang pala ako kabilis dito. Sana pala sinulit ko na lang.
"Teka, gusto ko lang itanong kung kaylan mo pwedeng bayaran ang pang-opera ni Tatay---"
"Nagawa ko na kagabi pa. In short, you are already paid, Miss Villamor."
Sandali akong hindi nakasagot dahil hindi ko naman inaasahang gagawin niya agad kahit hindi ko pa nabibigay sa kanya ang papel na pinirmahan ko.
"S-salamat," sabi ko pero hindi siya sumagot.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad na. Tingin ko ay aalis na siya sa Shop. Hindi na sana ako magsasalita nang bigla akong may naalala.
Oo nga pala.
"Sir, sandali." Pigil ko sa kanya. Hawak na niya ang knob ng glassdoor pero binitawan niya iyon at lumingon sa akin.
Ang mata niya at parang nagsasalita, tinatanong ako ng 'what?'
"Ahm... itatanong ko lang kung ano ang gagawin ko habang nagpapanggap tayo?"
Nag hintay ako ng ilang segundo bago siya nakasagot.
"Be like a real wife as if we are really married. If we need to hug each other, we must hug. And if we need to kiss... you know the answer." By that, lumabas na siya at naiwan akong nakatulala.
Teka, oo nga. Lahat ng 'yon ay posibleng mangyari.
Sh*t naman. Bakit hindi ko naisip 'yon. Hahalik ako ng taong hindi ko naman gusto?!
Napapikit ako. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Nakakainis.
Gusto ko na lang maglaho baka mabago pa ang lahat. Pero huli na, e. He already paid for my father's operation.
I am already paid.
Paid to be his wife.