"Ano ang bagay na binigay sa'yo ng ex mo na hindi mo makakalimutin?" tanong ni Pia sa kabilang linya isang umaga habang nag-aagahan ako.
"Sama ng loob," agad kong sagot. Hindi ko pinag-isipan 'yon kasi alam ko naman agad kung ano ang isasagot ko.
Natawa siya. "Hayop talaga."
Nasa hospital siya ngayon at nagbabantay kay Tatay. Ako naman ay ilang araw nang naghihintay ng tawag galing kay Lanzeus Empreso. Sabi niya 'by tomorrow' tapos na raw 'yung process ng papers pero mag-iisang linggo na wala pa rin akong naririnig sa kanya.
Hindi naman siguro dapat mag-alala kasi hindi naman ako ang lugi. Binayaran na niya ang operasyon ni Tatay, e. Pero baka bawiin niya?
"Wala ka bang trabaho? Hindi ka ata nagmamadali?" tanong ni Pia.
Oo nga pala, hindi niya alam kung ano talaga 'yong trabaho ko. Sasabihin ko rin naman 'yon, pero huwag muna ngayon.
"Mamayang tanghali pa. Ayos lang naman na ma-late ako," pagsisinungaling ko.
"Taray, sis. Ang bait naman ng Boss mo. Akalain mo 'yon, binayaran niya ng buo ang operasyon ng Tatay mo tapos hindi ka pa pinapahirapan sa trabaho. Hayssss, sana ganyan din magiging amo ko. 'Yong ayos lang maging late."
Napairap ako. Naalala ko bigla si Lanzeus na gustong on time ang pag dating ko pero papaalisin din naman pala ako agad. Ewan ko kung ako lang ba pero parang ang dami niyang arte.
"Pagdasal mo," sagot ko na lang.
"I told you, girl. 'Yong ang malas mo sa dati mong trabaho ito pala ang kapalit. Blessing! Bawing-bawi!"
Wala lang talaga akong option. Gusto kong mag rant pero tinatamad ako.
Sana kung hindi ako malasin sa mga nahahanap kong trabaho dati, wala sana akong kontrata kay Lanzeus Empreso. Hindi talaga ako komportable pero wala na akong magagawa. Hayaan na lang. Sanay naman akong mag panggap na walang pakealam.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumaba para maligo. Si Pia naman ay matutulog daw muna.
Bitbit ko ang tuwulya at lalagyan ng sabon ko nang maabutan ko si Manang Tanya na nagbubuhat ng palanggana na puno ng labahan. Lumapit ako at tinulungan siya na dalhin 'yon sa harap ng gripo.
"Nako, salamat! Parang matatanggal na ata ang braso ko," habol hininga niyang sabi habang nakahawak sa magkabilang bewang niya.
"Ang dami mo naman atang tinanggap na labahan ngayon, Manang," komento ko nang mapansin ang iba pang damit sa tabi na hindi pa nalalabhan.
"Sayang ang init ng panahon, hija. Kailangan ko ring kumita ng malaki sa paglalaba kasi bibili ako ng bagong bubong para sa kusina," sagot niya.
Sumandal ako sa pinto ng CR at pinanuod siya. Nagagawa ko pa 'to ngayon kasi hindi ako nagmamadali at walang pupuntahang trabaho kaya susulitin ko na. Hindi ko kasi magawa ang ganito noon dahil nga ayokong ma-late o gusto kung makaalis ng maaga para maghanap ng trabaho kahit kulang pa ako sa tulog.
"Hindi niyo po ba naisipang humingi ng tulong kay Lanzeus, Manang? Mukha naman hong maganda ang relasyon niyo sa isa't-isa," tanong ko nang maalala na parang ang close nila ng bago kong Boss.
Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. "Nako, kung alam mo lang. Sobrang laki ng utang ko sa pamilyang Empreso lalo na sa kay Lanzeus. Pati buhay ko, utang ko iyon sa pamilya nila at alam kong hindi ko na iyon mababayaran kaya hanggang kaya kong tumanggap ng kahit anong trabaho at hindi nanghihingi sa kanila, gagawin ko."
"Bakit ho?" tanong ko.
"Nahihiya na ako, hija. Ayokong mas lumaki pa ang utang ko sa kanila."
"Bakit hindi ka mag trabaho sa pamilya nila para mabayaran 'yon?"
"Mahirap. Hindi na tulad ng dati ang sitwasyon ng pamilya Empreso."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi na ako makapagtanong ulit. Na-curios ako bigla kung anong meron sa pamilya ni Lanzeus pero nahihiya na rin akong mag tanong kay Manang. Ayokong magmukhang interesado sa pamilya ni Lanzeus kasi nagtatrabaho lang naman ako sa kanya. Bilang asawa nga lang.
Pero kung iisipin. Mas maganda rin kung may alam ako para alam ko ang gagawin ko kapag kaharap ko ang pamilya niya.
"Kamusta naman kayo ng alaga ko, Jazel?" biglang tanong ni Manang kaya bumalik ako sa riyalidad
"Ho? Wala akong balita sa kanya, Manang." sagot ko.
"Bakit? Hindi ba sinabi saiyong nag out of town?"
Umiling ako at binuksan na ang pinto ng CR. "Hindi ho."
Kaya pala hindi ko siya nakikita sa Blink kasi nag out of town. Nagkibit balikat na lang ako. Buti nga kung gano'n. Nakakapagpahinga ako kahit papaano kasi wala pa siya. Kung puwede lang naman na kumikita ako ng malaki sa kanya kahit nandito lang ako, why not? Sana 'wag na muna siya umuwi. Ma-stranded sana siya sa kung saang lupalop man siya napadpad.
"Jazel, hija!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si Manang Tanya galing sa labas. Tapos na akong maligo, magpapalit na lang ako ng damit.
Mamamatay ata ako sa gulat. Kakainom ko 'to ng kape.
"Manang, sandali. Hindi pa ho ako tapos," sagot ko habang binabalot ang sarili ko gamit ang tuwalya.
"Bilisan mo, may naghahanap sa'yo!"
Kumunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap sa'kin dito sa Manila? Wala naman akong kaibigan para magkaroon ng bisita.
Gusto ko agad malaman kung sino ang tinutukoy ni Manang kaya kahit hindi pa ako nakapagbihis at tanging tuwalyang puti na above the knee ang haba lang ang suot ko, binuksan ko na ang pinto ng CR.
"Sinong naghahanap--- ay kabayo!"
Sa pangalawang pagkakataon, napatalon na naman ako sa gulat. Sa sobrang gulat ko naisarado ko pabalik ang pinto na kabubukas ko pa lang.
Bwes*t. Anong ginagawa niya rito?! Sabi nag out of town?
Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Lanzeus sa labas kaya napapikit ako at napatampal ng noo. Nakakainis na nakakahiya. Nakita niya ako sa ganitong sitwasyon.
"Surprised, e?" ani ng boses niya sa labas ng pintuan.
Napairap ako at humigpit ang hawak sa tuwalyang nakatapis sa katawan ko. "Anong gingawa mo rito?"
"Bakit, bawal?"
Napakamot ako ng kilay ko at sumimangot. Tapos na ang maliligayang araw ko. Hindi na ako makakagising sa oras na gusto ko dahil magsisimula na ang trabaho.
"Puwede niyo naman ho akong hintayin sa loob, Sir."
"Dito ako dinala ng mga paa ko, Heaven."
Anong klaseng sagot 'yon? Ah, ewan. Para siyang ewan. Nakakainis. Sana maputol na lang ang mga paa niya.
"Sana hindi ka na lang umuwi," bulong ko habang nagsusuot ng panty.
Nagulat na naman ako nang bigla siyang kumatok sa pintuan kaya muntikan na akong ma-out balance. Ano bang mayroon ngayong araw at palagi na lang akong nagugulat?!
"May sinabi ka ba?" tanong niya matapos kumatok ng dalawang beses.
"Nagbibihis ako!" malakas kong sigaw na may halong pagkainis.
"Ah, okay. I'll wait upstairs."
Buti naisip niya pa 'yon? Bakit hindi niya naisip agad? B*bo ba 'tong si Empreso o nananadya lang?
Sinadya kong bagalan ang pagbihis para mainis siya. Kahit paglagay ng tuwalya sa buhok ko ay binagalan ko. Kung pwede lang din na sabunan at banlawan ko ng paulit-ulit ang damit na suot kagabi ay ginawa ko na kaso mahal ang tubig sa Maynila hindi tulad sa probinsya na umaapaw lang.
Nakalabas ako ng CR after thirty minutes. Sapat na siguro 'yon para inisin si Lanzeus.
Isasampay ko na sana sa labas ang nilabhan ko pero napansin kong umiitim ang langit at nagbabanyang umulan kaya pinili ko na lang na i-hanger 'yon at sa silong inilagay.
Kaya rin siguro tumigil sa paglalaba si Manang Tanya kasi biglang nawala ang sikat ng araw kaya hindi ko siya nakita paglabas ko ng CR.
Hindi ako dumeretso sa sala ng bahay ni Manang kung saan naghihintay si Lanzeus. Naiinis na rin naman siya sa'kin kaya susulitin ko na.
Umakyat ako sa kwarto ko at mabilis na binuksan ang pinto para makapasok pero napaatras ako sa gulat nang makita ang lalaking naka-de kwatro sa nag-iising silya ng kwarto ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig na tanong ko sa kanya.
"What took you so long? Nagbihis ka lang pero inabot ka ng thirty-two minutes and," napunta ang tingin niya sa kanyang relong pambisig, "twenty-four seconds."
Napapikit ako sa inis. Pakiramdam ko umuusok na ang ilong at tainga ko. Pinigilan ko ang sarili ko na abutin ang hanger na nasa gilid ng pinto at ibato 'yon sa kanya.
"Hindi ko ho sinabi na dito niyo ako hintayin, Sir," mahinahon kong sabi para pakalmahin ang sarili ko.
"Alam ko."
"E, bakit ho kayo nandito?"
"I just want to. Hindi ko naman alam na ganito pala kaliit ang kwarto mo."
Ah, sht. Oo nga, nasa kwarto ko siya. Naalala ko bigla ang ilang mga damit ko na nakakalat katulad ng shorts at sports bra kaya agad ko iyong tinakbo at nilagay sa ilalim ng kumot.
Napaisip tuloy ako bigla kung anong ginawa niya rito sa loob ng thirty minutes na paghihintay. Hindi naman siguro niya pinakialaman ang mga gamit ko? Argh. Pinagsisihan ko nang binagalan ko pa ang pag galaw kanina.
Buti na lang inuna ko ang paglinis bago ang pagligo kaya wala siyang nakitang dumi sa maliit na kwarto.
"Puwede ka nang lumabas," sabi ko sa kanya.
"Did I wait you for thirty-two minutes and twenty four seconds for nothing?"
Humugot ako ng malalim na hininga. "Sir, we can talk outside."
"We can talk here," sagot niya.
"The room is so small for the two of us---"
"We're just going to talk, Heaven. Nothing else," putol niya sa sasabihin ko.
"Wala akong sinabi na---"
"Ah, wala ba? Gano'n kasi ang dating," putol na naman niya.
Tumalikod ako at kinalma ang sarili ko. Gusto ko lang naman iparating na baka hindi siya magiging komportable sa loob ng kwarto ko kasi maliit pero sa tingin ko iba ang tinatakbo ng utak niya. Wala naman akong sinabi na may gagawin kaming ibang bagay bukod sa pag-uusap!
Hindi ba puwedeng ibalik ang lalaking 'to sa lugar kung saan siya nag out of town? Gusto ko siyang ma-stranded doon ng isang taon!
Mahaba naman ang pasensya ko, pero hindi ko alam kung bakit ang ikli na no'n kapag si Lanzeus Empreso ang kausap ko. Ilang araw ko pa lang siyang kilala at hindi kami madalas mag-usap pero bawat pagkikita namin, it's either siya ang maiinis sa akin o ako ang maiinis sa kanya. Ang malas ko ngayong araw.
Hindi ko alam kung saang lupalot niya nakukuha ang mga binabato niyang salita sa'kin. Close ba kami? Hindi.
Mag-asawa lang kami sa papel at hindi kami close pero ang paraan niya ng pakikipag-usap ay parang isang taon na kaming magkakilala. Hindi ko alam na feeling close si Lanzeus Empreso. Nakakainis.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko na lang nang humarap ako ulit sa kanya pero wala na siya sa silyang inuupuan niya kanina. Sa kama ko na siya nakaupo ngayon at hawak niya ang picture namin ni Tatay na natatandaan kong nasa maliit na mesa sa gilid ng kama ko nilagay kagabi.
Lumapit ako at kinuha 'yon sa kanya. "Akin na 'yan."
Tumayo siya at nilibot ang maliit na sulok ng bahay. "Is that your father?"
"Kapatid ko," pabalang kong sagot at tinago ang picture sa loob ng libro.
"Nakakatawa?"
"Pinapatawa ba kita?" balik ko at inirapan siya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "You're talking down to me."
Bumuga ako ng hangin at inulit ang sinabi ko. "Pinapatawa ho ba kita, Sir?"
"Tss."
Parang gusto kong pumalakpak nang maglakad siya papunta sa pintuan at mukhang lalabas na ata pero gano'n na lang pagkadismaya ko nang bumalik siya.
"Hindi ka pa lalabas?" tanong ko.
"Stop making me feel that you really want me gone, Heaven," aniya na may dalang simpleng pag-irap.
"Gano'n naman ho talaga ang gusto kong maramdaman niyo," sagot ko at hindi pinansin ang masamang tingin ng mga mata niya sa akin. "Akala ko lalabas ka na."
Bumalik ang mga mata ko sa kanya nang gumalaw ang gilid ng labi niya habang nasa labas ng pintuan ang tingin.
"Sorry to burst your bubble, but I think I will be staying here for a period of time."
Kumunot ang noo ko at sinilip kung anong meron sa labas ng pinto dahil kanina pa siya nakatingin doon. May naririnig din kasi akong pamilyar na ingay at pakiramdam ko 'yon ang tinitignan niya. At hindi nga ako nga nagkamali. Bahagyang umawang ang labi ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Sir, bumaba ka na! Mas mabuti kung doon ka mag hintay sa bahay ni Manang Tanya!" sinadya kong lakasan ang boses ko dahil baka hindi niya ako marinig sa sobrang lakas ng ulan. Pero ang magaling na lalaki ay hindi man lang ako sinagot at naglakad lang papunta sa silya na inuupuan niya kanina.
Wala akong nagawa kun'di isarado ang pinto dahil tumatalsik papunta sa loob ng kwarto ko ang tubig galing sa labas. Hinanap ko ang payong ko para may magamit si Lanzeus para makababa papunta sa bahay ni Manang Tanya pero naalala kong hiniram pala 'yon ni Manang noong isang araw at hindi pa niya naibabalik sa'kin. Ang galing naman talaga ng panahon.
Hindi kasi konektado ang kwarto naming mga boarders sa bahay ni Manang kaya mahihirapan si Lanzeus na makababa papunta roon kung walang payong at sobrang lakas ng ulan.
Napalingon ako sa Boss kong prenteng nakaupo sa silya. May hawak na siyang libro ngayon na galing sa maliit na bookshelf sa gilid ng kama ko. Parang wala lang sa kanya na biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Napabuntong hininga ako at padabog na kinuha ang suklay pero hindi niya iyon narinig dahil nga sa lakas ng ulan.
Kanina lang pinagdadasal ko na sana ma-stranded siya sa pinuntahan niyang lugar pero iba naman ang nangyari. Na-stranded nga siya, pero dito pa sa amin! Ang masaklap pa roon ay talagang sa kwarto ko pa! Sa apat na sulok ng maliit na kwarto ko pa!