"Good evening po, Ma'am Jazel, pinapababa na po kayo ni Sir Lanz." Isang babaeng nakasuot ng pang maid ang pumasok sa kwarto matapos kumatok ng tatlong beses. May nahihiyang ngiti siya sa mga labi pero nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Jazel na lang," sagot ko at sinara ang pinto ng walk in closet kung saan ko nilagay ang maleta ko. Nilagay ko lang sa loob pero hindi ko inayos ang mga damit ko at hinayaan lang muna sa maleta. "Baka ho magalit si Sir Lanz, Ma'am." Ang OA naman no'n. Hindi naman ako katawag-tawag na Ma'am. "Ako ang kakausap sa kanya kapag nagalit siya, basta Jazel lang itawag mo sa'kin," sabi ko habang tinatali ang buhok. Katatapos ko lang din mag half bath at talagang pati tubig ng mansyon na 'to natatakot akong sayangin. Hindi naman gawa sa ginto ang tubig p

