"Hindi ko naman kailangan ng ganitong cellphone, Sir." Binalik ko ang cellphone sa box kasi pakiramdam ko madudulas iyon sa kamay ko ano mang segundo. "You need that so I could contact you easily. Para na rin may pang alarm ka at hindi na ma-late," sagot niya habang nakatingin sa daan. Dahil sa medyo mabilis na takbo ng sasakyan ay pinapalid ng hangin ang may pagka-brown niyang buhok. Hindi ko naman makita ang mga mata niya kasi nakasuot siya ng shades na lalong nagpasikat sa matangos niyang ilong. Ang isa niyang kamay ay nasa manibela habang ang kabila naman ay nakapatong sa bintana. Napaiwas ako ng tingin nang gumalaw ang adams apple niya. Binaling ko na lang ang mga mata ko sa papalubog na araw. Ngayon ko lang napansin na ganito pala ang daan papunta sa mansyon nila. Hindi ko nak

