Natapos na kaming mag-empake kung kaya ay nagtanguan na kaming lahat. Ayon kay Ely ay dapat daw namin paghandaan ang kung ano man ang mangyari sa amin sa pagdating namin sa bayan na iyon. Hindi kasi raw siya sigurado kung nandoon na ang kaniyang ama na gagabay at tutulong sa amin. Alam niyang sobrang delikado ng mga taong nandoon. Tahimik lamang kaming naglalakbay patungo sa bayan.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya pinagmasdan ko na lang ang aking kapaligiran. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko, kung ihahalintulad ko ito sa unang araw na nanatili ako rito. Sobrang gaan na niya sa pakiramdam na para bang wala nang dinadalang mabigat na karamdaman itong kagubatan. Masaya naman ako para rito, iyon nga lang ay hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil aalis na kami. Hindi ko na muling makikita ang ganda ng lugar na ito kapag nakabalik na kami sa aming bayan.
Isa malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago at nagpatuloy na sa paglalakad. Kagaya nitong nagdaang araw ay ako pa rin ang nasa pinakalikurang bahagi. Ayos na rin sa akin ito dahil sa panahon ngayon, at least may alam na ako kung ano ang gagawin ko kapag may biglang sumulpot na halimaw.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa aking harapan. Doon ko nakita si Alessia na abala sa pagtingin sa kaniyang cellphone. Iyong parang may kinakalikot ito na hindi ko makita.
Teka. Dala pala niya ang kaniyang Cellphone? Kung alam ko lang sana ay hiniram ko muna ito at kinuhanan ng larawan ang kaninang magandang tanawin. Sobrang nakakalungkot lang isipin na hindi ko man lang ito na kunan. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon ay gugustuhin ko talagang bumalik dito. Gusto kong makita muli ang napakagandang sunrise na iyon. Ang isa sa mga pinaka-magical na pangyayari.
Muli ko na naman naalala ang nangyari kanina. Iyong pag-level up ko sa susunod na rank. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala iyon kahirap at kasakit. Siguro ay kung papipiliin ako, nais kong huwag na tumaas pa ang aking rank. Ayaw na ayaw ko talaga ang nasasaktan, pero ano naman ang magagawa ko? Ganoon naman talaga, hindi ba? Ganoon naman talaga ang buhay.
Isang marahas na hangin ang aking ibinuga bago mas lalong binilisan ang aking paglalakad. Hindi naman nagtagal ay nakikita na rin namin sa wakas ang pinto na kung saan pwedeng pasukan patungo sa loob ng bayan.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinabahan bigla. Ang kaba na parang sinasabi na hindi magandang ideya na pumasok sa loob nito.
Sana nga lang ay nasa isip ko lang ang lahat ng ito. Ayaw kong mapahamak kaming tatlo dahil dito. Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa harap ng gate. Kitang-kita ko ang pagdungaw ng mga guards atsaka ito unti-unting binuksan.
Bumungad naman sa amin ang napakatahimik na bayan. Sobrang layo nito sa bayan na dinaraanan namin noon. Para bang isang itong panibagong lugar na sobrang tahimik.
“Anong nangyayari rito?” Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa tabi. Sobrang tahimik lamang nila at parang ang lungkot-lungkot ng kanilang mga buhay.
“Hindi ako sigurado,”tugon naman nitong si Ely, “Para sa akin ay parang may nangyari nga rito habang wala tayo. Huli na ba talaga?”
Hindi rin ako sigurado. Sa tingin ko naman ay hindi pa huli ang lahat.
“Wala pa rin ba ang iyong ama?” Tanong ni Alessia, “Kasi kung nandito na sila, maaring hindi magiging ganito ang kanilang sitwasyon.”
“Mukhang wala tayong ibang magagawa. Tayo na lang tatlo ang gagawa ng paraan,”tugon naman ni Ely, “Kung titignan at pagbabasehan natin ang mga tao rito. Sigurado ako na hindi pa nakakarating sila ama. Sigurado ako na sa oras na dumating sila at hintayin pa natin ang mga iyon. Sobrang huli na ng lahat.”
“Ano na gagawin natin ngayon?” Tanong ko at sinusubukan na iwasan ang mga titig ng mga tao.
“Maghanap muna tayo ng pwede nating panatilihan. Sa oras na magawa natin iyon ay doon natin pag-usapan ang dapat nating gawin,”tugon ni Ely, “Hindi ako sigurado pero ramdam kong may mga matang nakatitig sa atin. Alam kong alam na ng namumuno rito na nakabalik na tayo sa kanilang bayan.”
Naku po.
Kapag alam na nga niya ay paniguradong ipapapatay nito kami. Hindi ko pa naman gusto ang mga ganitong klaseng labanan. Ayaw kong pumatay ng tao, pero kung may gagawin man siyang masama sa iba. Hindi ako magdadalawang isip na tapusin siya. Ayaw kong madamay ang mga inosente.
“May alam ka ba sa mga pwede panatilihan rito?” Tanong ko sa kaniya.
“May usa akong alam na lugar. Doon din kami nananatili nila ina at ama sa oras na pumupunta kami rito,”paliwanag nito, “Sunda niyo na lang ako. Ako na ang bahala magdala sa inyo papunta roon.”
Tumango na lamang kami at sumunod na sa kaniya. Tahimik na tinatahak namin ang daan papunta sa sinasabi nitong lugar. Hindi ako makapag-ingay dahil napapapatingin ang mga tao sa amin sa oras na magsalita ako ng malakas. Yumuko na lamang ako habang nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa wakas.
Isa itong gusali na sobrang luma na. May sign din ito sa itaas na sirang-sira. Kung tutuusin. Para itong isang abandonadong lugar, hindi ko nga lang alam kung ano ang magiging hitsura nito sa pangloob na anyo. Kung mas worst ba ito sa panglabas niya.
“Nandito na tayo,”sambit ni Ely, “Paalala ko lang sa inyo. Huwag na huwag kayong magsalita, pwera na lang sa nagbabantay ng gusali.”
“Bakit?” Tanong ko.
“Karamihan sa mga taong nananatili rito ay mga katulad natin. Kung kaya ay karamihan sa kanila ay mainitin ang ulo at madaling makahanap ng away. Iba’t-ibang klaseng adventurer ang nananatili rito, kaya ibig sabihin ay hindi ko alam kung anong klaseng tao sila. Maaring mas malakas pa ito sa atin o hindi,”paliwanag ni Ely at tinignan kami.
“Huwag kang mag-alala, susundin namin iyan,”tugon ko at ngumiti. Tumango lamang itong si Ely at naglakad na patungo sa pinto.
Pinihit ni Ely ang siradora ng pinto atsaka tuluyan itong binuksan. Bumungad naman sa amin ang maingay na loob na para bang may sarili itong mundo. Sobrang layo ng lugar na ito sa labas ng gusali. Kung gaano katahimik ang labas, ganoon naman ka-ingay dito sa loob. Nagsisigawan pa nga ang karamihan sa kanila habang umiinom ng alak. May ilan din na patuloy lang sa pagkain habang nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kasama. Kung titignan ay parang kinakaharap na problema ang panglabas na mundo. Tila ba isa lang itong normal na araw na walang problema at kayang-kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo.
Labis ang aking pagtataka na inikot ang aking paningin. Napakaraming tao rito at karamihan sa kanila ay mga lalaking malalaki ang katawan at may malalaking gamit. Sa tingin ko nga ay sobrang bigat nito. Kaya siguro ganoon na lang kahubog ng kanilang mga muscles ay dahil araw-araw nila itong suot. May ibang babae rin dito na nakikipalaro ng baraha at iba pa. Para akong nasa isang casino, may ibang tao pa na nagbibigay ng mga inumin at pagkain sa mga manlalaro. Sa tingin ko at mga nagtatrabaho ito rito. Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang kamay sa akin, at nang tignan ko ito ay nakita ko si Ely na kunot noong nakatingin lang sa harap.
Naglakad na ito ng diretso hanggang sa makarating kami sa harap ng isang malaking lamesa. May babaeng naghihintay sa amin doon na sobrang lawak ang ngiti.
“Maligayang pagdating sa Dime Inn, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Tanong nito at yumuko.
Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa ginawa niya. Dime Inn? Ito ba ang tawag sa lugar na ito? Is it really an Inn or this is a casino? Mukhang impossible kasing pagkatiwalaan na isa itong inn.
“Gusto sana namin magpahinga. May bakante pa ba kayong kwarto para sa aming tatlo?” Tanong ni Ely.
“Titignan ko muna,” tugon nito at kinuha ang isang malaking notebook. Binusisi niya ito ng mabuti at talagang hinanap kung may bakante pa ba, “Alright! May bakante pa kami. Isang kwarto na sakto para sa inyong tatlo.”
“Kukunin na namin iyan,”saad nito. Tumango lamang ang babae at agad naman itong binayaran ni Ely. Hinayaan ko lamang ito sa pakikipag-usap sa nagbabantay dahil sabi nga niya ay huwag kaming kumausap ng kahit sino.
Nang na ibigay na kay Ely ang susi ay agad kaming naglakad patungo sa isang pasilyo na madilim. Hindi naman ito sobrang dilim na hindi na lang kami nakakakita. Tahimik lamang namin itong binabaybay hanggang sa tuluyan ng mawala ang boses ng mga tao.
Napakunot naman ang aking noo dahil doon. Paano naging possible iyon? Sobrang lapit lamang ng lugar na iyon sa mga silid na ito. Impossibleng bigla na lang mawala ang tunog ng gano’n-gano’n na lang.
“What?” Rinig kong bulong ni Alessia.
If I know, confused din ito sa mga nangyayari. Isa ba itong uri ng kapangyarihan na kung saan kayang patahimikin ang buong lugar? Gusto matutonan ito, sobrang need nito.
“Nandito na tayo,”sabi ni Ely at ipinasok ang susi sa keyhole atsaka ito binuksan. Hindi naman nagtagal at napasok na rin kami sa wakas.