Kumunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi.
“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong.
Hindi ko alam kung anong punto niya roon. Paano niya na sabing magkapareho kami ng iniisip ni Alessia? May na ikwento ba ito sa kaniya na hindi ko alam? Kung ganoon nga ay hindi na nakakagulat. Panigurado ay mayroon talagang ibang na kwento it habang wala akong malay. Bukod pa sa tungkol sa amin na taga ibang mundo, ano pa ba itong sinasabi niya kay Ely? Bakit kusa na lang ito nagbubukas sa ibang tao, kahit hindi niya pa naman ito masiyadong kilala talaga?
Sa totoo lang, wala lang naman sa akin kung ganito ang magiging sitwasyon. Ngunit, sana naman ay ipaalam niya sa akin ang buong detalye dahil kaibigan niya rin ako. Ako ‘yong kasama niya na napunta rito. Ako ‘yong malapit na kaibigan niya simula noong bata pa kami. Gusto ko lang sana maging updated sa lahat ng bagay, hindi iyong malalaman ko na lang sa ibang tao ang tungkol sa mga pinagsasabi niya.
Ano na naman kaya ang sinabi ni Alessia kay Ely?
Natahimik na lamang ako dahil doon. Iniwas ko ang aking paningin dito at tumingin sa araw. Tumama na ang ilaw nito sa aking mukha.
“Gusto rin ni Alessia na lumakas para protektahan ka,”tugon nito, “Noong natutulog ka sa higaan na iyon ay laging sinasabi nito na ayaw na niyang maging pabigat sa iyo. Ayaw na niyang lagi na lang umaasa sa iyo. Gusto niya ay mabigyan ka man lang niya ng kahit kaunting tulong.”
Tuluyan na talaga akong natahimik sa sinabi nito. Alam ko naman na gusto niyang tumulong sa akin. Lagi niya itong sinasabi sa akin. Kahit noong bago pa kami umalis ay muli niya na naman itong nabanggit. Hindi na sana ako na gulat o dapat ay inasahan ko na ang tungkol sa bagay na ito. Kahit nga siguro ‘yong paghuhusga ko ka agad na mayroon itong itinatago sa akin.
“Kahit ilang beses ko pang isipin o sabihin sa sarili ko na huwag mainggit ay hindi ko talaga magawa. Sobrang hirap pala talagang kunsintihin sarili mo na pagawa ‘yong isang bagay kahit alam mong impossible,” nang dahil sa kaniyang sinabi ay mas lalo akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. Tinitigan ko ang mga mata nito na punong-puno ng lungkot. Agad kong binigyan ito ng isang matamis na ngiti na para bang sinasabi na magiging maayos din ang lahat.
“Hindi mo kailangan mag-alala,”tugon ko, “Nandito na naman kami, hindi ba? Ikaw na ang aming ikatlong kaibigan. Magiging malapit ka rin sa amin ng sobra. Kailangan mo lang buksan ang sarili mo para sa amin. Kailangan mo lang magtiwala. Mahirap man gawin, pero pinapangako ko sa iyo na hindi ka magsisisi.”
Pinapahalagahan ko ang friendship at Trust na parang buhay ko. Kung kaya ay napakalaking impossible sa akin na sirain ito. Alam kong ilang beses na nasira ang tiwala ni Ely sa mga tao, at sana mabago namin iyon. Gusto ko na isa kami sa mga taong kaya niyang pagkatiwalaan sa lahat ng bagay.
“Alam ko ‘yon,”ani nito, “Alam ko naman na kaya ko kayong pagkatiwalaan.”
Isang ngiti na lamang ang aking ibinigay sa kaniya bago kami nagtawanan. Nanatili muna kami roon ng ilang sandali bago napagdesisyonan na bumalik sa kung saan nakahiga ang aming kaibigan na tulog mantika. Sarap na sarap pa rin ang tulog nito na parang walang balak bumangon. Nagkatinginan na lamang kami ni Ely at napa-iling.
“Pwede mo bang palakihin ang halaman na iyan?” Tanong ni Ely at tinuro ang bagong sibol na halaman, “Alam naman natin pareho na ikaw lang ang ang may kakayahan na gumamit ng kapangyarihan ng kalikasan.”
“Susubukan ko,”tugon ko sa kaniya at naglakad sa harap ng halaman, “Hindi kasi ako sigurado kung kakayanin ko ba o hindi. Baka dahil sa ginawa ko kahapon ay hindi na lalabas ang kapangyarihan ko.”
Isang mahinang tawa ang aking narinig mula kay Ely. Umiiling itong tumabi kay Alessia at tumingin sa akin.
“Hindi ganoon gumagana ang kapangyarihan. Saglit lang naman tayo mapapagod at mawawalan ng lakas, ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala na talaga. Siyempre, pagkatapos mong magpahinga ay unti-unti itong babalik sa dati. Isa pa, hindi ba at kaka-angat mo lang sa susunod na rank? Iyon ang patunay na bumalik na ang mana mo sa pinakadulo,”paliwanag ni Ely, “Kaya huwag kang matakot na subukan ito. Makakaya mo ‘yan.”
Ngumiti lamang ako sa kaniya atsaka tumango na. Itinaas ko ang akong kamay at tinutok sa maliit na halaman na ito. Ipinikit ko ang aking mga mata at muling pinakiramdaman ang enerhiya.
Sa mga oras na ito ay labis ang aking pagkagulat dahil ramdam na ramdam ko ang isang enerhiya na sobrang lakas. Hindi lang iyon, ang puro pa nito na sa tingin ko ay wala na itong hangganan. Ang bilis lang din nitong amuhin at napapasunod ko ito agad sa gusto kong mangyari.
Isang ngiti ang lumabas sa aking labi. Doon ko rin naramdaman ang mainit na enerhiya napatuloy na dumadaloy sa aking katawan hanggang sa mapunta sa aking kamay. Ilang sandali pa ay siya naman ang pagrinig ko ng ilang tunog na para bang isang sanga na mapuputol. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang puno ng mangga na sobrang laki. Sa sobrang laki ay natatakpan na nito ang buong katawan ko.
Labis naman ang aking pagkamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng dahon na puti, at ang mga bunga nito ay ang mga manggang kulay dilaw. Unti-unti akong tumayo at nanatiling nakatitig dito.
Na gawa ko.
“Ang galing,”rinig kong sabi ni Ely sa aking tabi.
Dahil sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko man lang na pansin ang paglapit nito. Kung ganoon ito kagulat sa nangyari, ako naman ay mas sobra pa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga lubos maisip na magagawa ko ang ganitong klaseng bagay.
“Ang ganda,”tugon ko rito.
“Isa ito sa mga halaman na pahirapan sa paghanap,”sabi ni Ely, “Itong klaseng puno na ito kasi ay madali lamang namamatay kaya kailangan ng matinding aruga. Hindi ko inaasahan na makikita ko ito rito.”
Lahat naman ng halaman ay kailangan ingatan para mabuhay.
“Anong ginagawa niyo?”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ely na para bang pareho kami ng inisip. Sabay kaming lumingon dito at nakita si Alessia na naka-upo na sa kaniyang hinihigaan habang kusot-kusot ang kaniyang mga mata.
“Ang aga niyo naman na gising,”saad nito.
“Hindi naman,”tugon ko at lumapit sa kaniya, “Sadyang, ang tagal mo lang talaga nagising.”
“Matagal ba?” Tanong nito.
“Hindi ba halata?” Nakangisi kong tanong dito.
“Sowi,”pa-cute na sambit nito at napatingin sa punong nasa harap namin. Ang kaninang mapupungay nitong mga mata ay agad napalitan ng gulat at pagkamangha. And yes, pareho lang kami ng reaksiyon nito kaya hindi na ako magugulat pa.
“Saan galing ‘yan?” Gulat na tanong nito, “As much as I can remember, hindi ko nakita ‘yan kahapon. Teka, teka, nandiyan na ba ‘yan kahapon? O wala pa? Baka sabog lang talaga ako kaya nakikita ko ang hindi niyo nakikita?”
Napatingin ako kay Ely na ngayon ay pinipigilan nito ang tawa. Samantalang ako naman ay umayos na ng higa muli at hinayaan ito sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.
“Bakit?” Tanong ni Alessia at tumingin kay Ely
“W-wala,”tugon naman ni Ely at tumawa na talaga ng malakas. “Bakit nga kasi! Hindi ka naman siguro baliw Ely para tumawa lang diyan nang tumawa ng walang dahilan, hindi ba?” Tanong nito. Napailing na lang ako at ipinikit ang aking mga mata.
“W-wala nga. Sabi ko ay maghanda na kayo kasi babalik na tayo sa bayan. Kailangan pa natin tulungan ang mga taong nadaanan natin,”tugon nito.
“Saan ka papunta? Huwag mo ako talikuran!” Sigaw ni Alessia.
I know, gusto lang nitong lumayo para tumawa. Kahit naman ako ay matatawa talaga ako sa naging reaksiyon ni Alessia sa sitwasyon ngayon. Para itong lasing kahapon na hindi alam kung may katotohanan ba itong nakikita niya o hindi. Nanatili lamang akong nakapikit ng maramdaman ko ang isang malakas na hampas sa aking hita na naging dahilan ng pagmulat nang aking mga mata.
“Bakit?!” Sigaw ko rito at napatayo. Hinahaplos ko ito at masamang tinignan ang kaibigan ko na nakataas ang isang kamay habang naka-peace sign.
“Ano ba talaga. Ayaw niyo akong sagutin eh! Simpleng tanong lang naman iyon pero tumatawa kayo ni Ely,”reklamo nito.
“Tumatawa ba ako? Natutulog lang ‘yong tao dahil hirap akong makatulog dahil sa inyong dalawa. Sobrang bigat ng mga hita niyo,”reklamo ko at inirapan ito, “Alam niyo bang kailangan ko pang magising ng maaga para lang makawala sa bisig niyo? Akala niyo talaga ay isa akong unan na pwede niyong paglagyan ng mabibigat niyong legs.”
Ngumiti lamang si Alessia at muling nag-peace sign. Inirapan ko na lamang ito at muling humiga.
“Bakit ba kasi ayaw niyong sagutin?” Irita nitong tanong.
“Fine! Pinalaki ko lang ‘yan kanina lang kasi panigurado ay maiinitan ka at magigising dahil dito. Kaya hindi ka sabog o ano, ayos na ba? Pwede na matulog?” Tanong ko at tinalikuran siya.
“Hindi!” Tugon naman ni Alessia at yinugyog ang aking balikat. Kairita naman! Gusto ko magpahinga.
“Aalis na tayo ngayon, hindi ba? Kung matutulog ka ay baka gabihin tayo bago makarating sa bayan na iyon. Kung kaya, wake up!” Sigaw nito at patuloy pa rin sa pagyugyog.
Oo nga pala. Aalis na kami ngayon. Tumayo na ako at masamang tinignan ito. Nag-unat muna ako bago naglakad patungo sa puno ng mangga at sinubukan itong akyatin para kumuha ng ilang piraso. Una kong ginawa ay ang lumambitin sa isang sanga at tumalon patungo sa susunod. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko ang mga nangyari noon kabataan ko pa, na kung saan ay sobrang hilig kong umakyat sa ganitong klaseng puno.