Umaga na nang magising ako sa mahimbing kong tulog kagabi. Ramdam ko ang bigat sa aking katawan dahil nakadagan sa akin ang dalawang binti ng mga kaibigan ko. Hirap na hirap akong tumayo dahil sobrang sarap ng tulog nitong dalawa. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan nang muli kong pinilit na tanggalin ang kanilang mga binti sa aking katawan. Hindi naman nagtagal at nagtagumpay din ako. Kusang gumalaw ang dalawa patalikod sa akin na naging dahilan ng madaling pagtayo ko.
Nag-unat muna ako sa aking katawan bago humikab. Medyo may araw na rin at kitang-kita na ang ganda ng paligid. Ngayon ko lang na pansin ang kagandahan na taglay nitong buong kagubatan. Sa katunayan niyan ay nasa malapit lamang kami sa cliff kaya kitang-kita ko ang pagsikat ng araw mula rito. Kung hindi ko lang sana iniwan ang cellphone ko sa inn ay kinuhanan ko na ito. Hindi ko mapigilan talaga ang mamangha.
Papasikat na ang araw at ang paligid ay halos punong-puno ng silver dust. Lahat ng nakikita ko ay halos kumikislap dahil dito. Malamig din ang hangin na mas lalong nagbibigay ng rason kung bakit ang ganda ng atmosphere. Naglakad ako papalapit sa cliff at tinignan ang baba nito. Sobrang dilim sa ilalim kaya muli akong umatras ng bahagya. Pinanatili ko ang distansiya sa pinakadulo at sa kinatatayuan ko.
Muli kong pinagmasdan ang araw at napangiti. Sa katunayan niyan ay ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong klaseng sunrise. Iyong tipong sobrang ganda niya talaga. Sa totoo lang ay kung kasama ko lang ang mga magulang ko rito at wala akon na iwan na mahal sa buhay sa mundo ko. I must say, gusto ko na manirahan dito. Sobrang ganda ng buong lugar. Napaka-magical. Parang nasa loob ako ng isang fantasy world na lahat ng impossible ay naging possible, except sa fact na ganoon nga ang nagyari sa akin ngayon.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang malamig na hangin na humaplos sa aking mukha. Tila ba sinasabi nitong magiging maayos din ang lahat, iyong parang sinasabi nitong alam niya ang nararamdaman ko at gusto niya lang siguraduhin na wala akong dapat ipag-alala. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil sa naging sitwasyon ko ngayon.
Alam ko naman at tanggap ko na naman na impossible na kaming makakabalik pa sa mundo namin. Ngunit, may part pa rin sa akin na ayaw mawalan ng pag-asa. Iyong pakiramdam ko talaga ay may pag-asa pa na babalik kami sa aming pamilya. Sana nga lang ay sa oras na bumalik kami roon ay ligtas silang lahat.
Hindi ko alam ang gap ng oras nila rito. Maaring ang isang minuto rito ay isang taon na sa mundo namin. Maari rin na ang isang buong dekada rito ay isang daang taon na sa mundo namin. Hindi ako sigurado, ngunit, sana ay huwag magsiyadong mag-alala sila ina at ama. Ayaw ko silang mapahamak dahil sa pag-alala.
Hindi ko na pansin na matagal na pala akong nakapikit. Naramdaman ko na lang ang mainit-init na pakiramdam na humaplos sa aking mukha, at nang imulat ko ang aking mga mata ay doon ko nakita ang tuluyang papasikat na araw. Malapit na itong lumabas sa pinagtataguan niya.
Ang laki talaga ng araw nila rito. Sa sobrang laki ay parang gusto kong sabihin na sobrang lapit lamang nito sa mundo. Ngunit, kahit ganoon ay hindi naman ito sobrang init. Hindi kagaya sa lugar na aking pinaggalingan na sobrang sakit sa balat ng init. Kahit nga sandali lang lumabas ay parang itim na balat na ang kakalabasan. Iyong ilang buwan mong pagpapaputi ay mawawala rin agad.
Tatalikod na sana ako upang bumalik sa mga kaibigan ko nang maramdaman ko ang rumaragasang enerhiya sa aking katawan. Agad akong napatigil at napahawak sa aking ulo. Sobrang bilis ng daloy nito na para bang ayaw nitong mapakali at may gustong gawin.
"Aray,"bulong ko habang nakakunot ang aking noo.
Sobrang sakit nito talaga na naging dahilan nang aking pag-upo sa lupa. Hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko habang pinapakiramdaman ang enerhiya na patuloy na dumadaloy sa aking katawan.
Anong nangyayari sa akin? Dahil ba ito sa paggamit ko ng aking kapangyarihan? Dahil ba sa bigla ko na lang inubos ang mana ko kaya ako nakakaramdam ng ganito? Ito na ba ang backlash ng ginawa ko kahapon? Kung pagbabasehan ko lang ang sakit ay parang mamamatay na yata ako ilang oras mula ngayon. Sa tingin ko ay magiging katapusan ko na nga yata ito.
"Aray!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw dahil sa sakit.
Sobrang sakit na niya talaga at habang tumatagal ay mas lalo pa itong sumasakit na para bang mamamatay na ako ano mang oras.
Wala na akong pakealam kung magigising man silang dalawa dahil sa nangyayari sa aking ngayon. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang mangyayari sa akin mamaya. Mabuti na rin at magising sila, at least makapagpaalam man lang ako bago ako mawalan ng buhay.
Muli akong napahawak sa aking ulo nang mas lalo itong lumala. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Tuluyan na akong napahiga sa sahig nang maramdaman ko ang pagsakit na rin ng aking puso.
Ano ba ang gustong mangyari nitong enerhiya ko? Gusto kong malaman kung ano ang gusto nitong abutin at bakit bigla na lang siyang nagwala. Ano ba ang aking gagawin para kumalma siya. Wala akong alam. Wala akong alam patungkol sa kapangyarihan.
Siguro, susubukan ko na lang muna iyong ginawa ko noong may test kami. Iyon ay ang hanapin ang enerhiya ko at dalhin ito sa kung saan man ang sentro nito.
Huminga ako nang sobrang lalim bago sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Sinbukan kong hanapin ang enerhiya ko na halos mabaliw sa pagtakbo sa aking buong katawan. Doon ko na hanap ang malaking bola ng enerhiya na para bang nagwawala at tumatalon sa isang parte patungo sa susunod.
Sinubukan ko itong kontrolin ngunit masiyado itong stubborn para makinig, kaya ang ginawa ko ay pwersa itong kinuha at hinila papunta sa kung saan ang sentro. Labis naman ang aking pagkagulat nang maramdaman ko ang overwhelming na feeling na dumadaloy sa akin. Ilang sandali pa ay parang may gustong lumabas na kapangyarihan sa katawan ko kaya hinayaan ko na lamang ito.
Napasigaw ako sa sobrang init at lumipas ang ilang sandali ay naramdaman ko na lang na para mas lumakas pa ako. Teka, huwag mong sabihin ay nag-level up ako? Ganoon ba ang nararamdaman kapag nangyari iyon o sadyang dahil lang ito sa paggamit ko ng mana nang sobra? Hindi ko alam.
"Binabati kita, Val."
Nilingon ko ang taong bigla na lang nagsalita at nakita si Ely na nakangiting nakatingin sa akin. Sa likod nito ay ang natutulog na Alessia.
"Tungkol saan?" Tanong ko.
"Mas tumaas pa ang rank mo,"tugon nito at lumapit sa akin, "Mukhang hindi nga sabi-sabi ang tungkol sa kapangyarihan niyo."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko muli sa kaniya.
"Hindi ba halata?" Ani nito, "Hindi mo ba nakita kung gaano kapuro ang iyong enerhiya? Hindi mo ba nakita na kahit nasa pinakamataas na rank ka na ay kayang-kaya mo pa rin itaas ang rank mo?"
"H-hindi ko alam,"nauutal kong tugon, "Hindi ko rin inaasahan na tataas ang rank ko. Hindi k naman kasi alam kung paano at kung ano ang gagawin ko."
Isang ngiti lamang ang ibinigay ni Ely at humarap sa araw.
"Sa tingin ko ay sobrang laki ng tulong ng araw sa iyo,"tugon niya, "Ang araw sa mundong ito ay magkaiba sa mundo niyo. Sa oras na matamaan ka ng paunang sikat nito ay magbibigay siya ng purong enerhiya na makakatulong sa iyong kapangyarihan. Mukhang ikaw ang pinalad ngayon."
Lumaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko inaasahan na ganoon pala 'yon. Akala ko ay dahil sa ginamit kong mana kahapon.
"Masaya ako para sa iyo,"ani nito, "Sana ay gamitin mo iyan sa tama."
"Saan pa ba?" Tanong ko sa kaniya, "Wala naman akong ibang pagagamitan kung hindi ay pagtulong sa kapwa. Iyon naman talaga ang aking misyon dito. Isa pa.."
Ibinaling ko ang aking atensiyon sa kaibigan ko na si Alessia na sobrang himbing ang tulog. Kahit medyo natatamaan na ito ng araw ay tulog na tulog pa rin. Labis yata talaga ang pagod nito kahapon.
"Gusto kong lumakas dahil gusto kong protektahan si Alessia. Iwasan na mapahamak ito sa kahit na ano mang pagsubok na dumating sa mundo na ito,"dugtong ko.
Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ely na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya na may halong pagtataka.
"Bakit?" Tanong ko.
"Nakakatawa lang isipin na magkapareho kayo ng gustong abutin. Talagang sobrang lapit niyo sa isa't-isa, ano?" Pahina nang pahina nitong sabi.