SHIFT
Nanunuot na sa aking sistema ang pagkaburyo at pagkabagot sa pwesto ko sa may entrance. Pansamantala ko nang ibinaba ang pershing cap ko, wala pa ring tigil sa pagbuhos ng galit at luha ang langit sa pamamagitan ng ulan.
Sa tuwing ganito ang panahon naiinganyo akong matulog--- ngunit hindi pwede. Number one rule sa isang night shift security guard ay BAWAL MATULOG.
Halos pasado alas dos na ng umaga at wala pa ring tigil sa pagbuhos ang ulan, suot-suot ko na ang jacket ko para makontra ang lamig.
Kadalasan kapag ganitong oras ay wala ng pumapasok o lumalabas ng lounging unit nita.
Sa aking pagmumuni-muni ay halos mapatalon ako sa aking kinatatatuan, pakiramdam ko ay lumuwa ang puso ko saaking dibdib sa biglaang paglitaw ng babaeng nakasuot ng mahaba at itim na daster?
Hindi ko alam kung ano ang tawag doon, pakiramdam ko ay nanayo lahat ng balahibo ko sa biglaang paglitaw niya sa gitna ng ulan papasok sa entrance.
Nakaitim ito na may balabal. Tanging mga mata niya lang ang nakikita, papasok pa lang ito ng mapansin niya ang aking presensiya.
Itim na itim ang mga mata nito na tila may makakapal ma eyeliner, na kapag nangahas kang tumitig ay tila mapapasunod ka niya dahil sa daga na tumatambol sa loob ng dibdib mo.
Marahan itong tumango sa akin ng nagtama ang aming mga mata. . . Tumutulo ang kanyang damit at ang tubig ulan sa kanyang mga mata.
Parang may kung ano sa loob ko ang hindi ko maintindihan. . . Takot. I felt so damn afraid with her eyes.
Direkta na itong pumasok sa loob ngunitsa pagmamadali niya ay may nalaglag mula sa kanyang itim at mahabang damit.
Tatawagin ko pa sana siya ngunit masiyado siyang mabilis.
Nilapitan ko ang nahulog. . . Para itong maliit na kwintas na kulay pula, may beads at palawit ng mga tinastas na tela. Hindi ito pamilyar sa akin, kung tribal necklace ba or lucky charm ay hindi ko alam.
Isa lang ang malinaw. . . Ang babaeng nagpasibol ng takot at kakaibang pakiramdam sa dibdib ko ay hindi multo. . . She is a Muslim woman. She belongs to the respective religious sector of Muslim. . . na mas lalong nagpasidhi ng kuryusidad ko sa biglaang pagsibol ng kung ano sa sistema ko.
Disclaimer:
Ang storyang ito ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng nangyari sa pagsasadula ay likha lamang ng malikot na imahenasyon ng may akda at hindi nangyari sa totoong buhay. Ang mga lugar na nabanggit sa istoryang ito, ay ginamit upang maging buhay at makatotohanan ang kuwento.
All rights reserved
Copyright July 18, 2023