-YUAN GAVE FELIX A RIDE. JILL’S SNEAKY SIDE. JILL RECONCILES WITH FRANCIS-
HALOS trenta minutos nang naghihintay si Felix sa school grounds malapit sa parking area. Sabi kasi ni Yuan may kukunin lang ito saglit pero babalikan siya kaagad. Maya-maya, nakita niya ang motor nito na umaandar papalapit sa kanya. May hawak itong extra helmet na magkahalong itim at abuhin ang kulay. Inabot ito sa kanya ni Yuan nang itigil nito ang motor sa harap niya.
“Bakit binili mo pa ako ng helmet? Saka mukhang ang expensive pa nitong nakuha mo.” Pansin ni Felix sa hawak-hawak na helmet.
“Forget about the price. Ang importante may suot kang protective gear sa ulo bago kita inangkas dito sa motor. Otherwise, mahuhuli pa tayo ng enforcer for violating road safety. Hassle pa. ‘Lika na!” Yaya dito ni Yuan.
“Sa’n ba kasi tayo pupunta? Sabi ko naman kahit d’yan na lang tayo sa McDonald’s kumain.” Hirit ni Felix kay Yuan habang maingat na sumasakay sa likod ng motor.
“E, di parang nabalewala ‘yung pusta ko sa ‘yo. Next time na tayo mag-McDo. For now du’n muna tayo sa special restaurant na madalas kong puntahan. Kapit maigi, ha?”
Nang masiguro ni Yuan na maayos na ang upo ni Felix sa likod niya ay pinaandar na niya ang motor paalis. Hindi sinasadyang makita sila ni Jill na naglalakad galing sa The Pearl Theater. Tatawagin sana niya si Yuan at baka sakaling puwede siyang sumama sa kanila ni Felix kung saan man sila pupunta. Pero ang gusto talaga ni Jill ay sila lang dalawa ni Yuan ang magkasama kaya hindi na rin niya itinuloy. Nag-resume na lang siya sa paglalakad. Inayos ang pagkakasukbit ng strap ng gym bag sa shoulder niya habang ina-access ang Grab app sa phone niya para makapag-book ng driver.
Tiyempong naglalakad si Jill sa tapat ng The Good News office sa admin building. Nakabukas ang pinto ng opisina at natanaw siya si Mrs. Agnes Ilagan. Lumabas agad ang teacher para tawagin si Jill.
“Jill, puwede magpatulong sa ‘yo sandali.”
“Sige po.” Sagot naman ni Jill habang isinuksok ang gamit na phone sa bulsa ng denim shorts at sinundan si Mrs. Ilagan sa loob ng opisina ng school paper.
Umupo si Mrs. Ilagan sa harap ng laptop niyang nakapatong sa conference table at ipinakita kay Jill ang spreadsheet na ginagawa niya sa Excel.
“Usually sina Carol ang tinatanong ko ‘pag meron akong hindi alam sa Excel function. Kaya lang nakauwi na siya. Tinatapos ko na lang itong spreadsheet para sa grade ng klase n’yo for submission to Principal Sarmiento. Nahihirapan lang ako sa paglagay ng graphs. Can you help me, Jill?” Nasa mukha nga ni Mrs. Ilagan na kanina pa ito hirap na hirap sa ginagawa sa spreadsheet.
“Actually, hindi rin po ako masyadong magaling sa Excel. Pero sige po. Check po natin. Ano pong gagawin d’yan, Ma’am?”
Pinaupo ni Mrs. Ilagan si Jill sa harap ng laptop at sinabi niya na gusto sana niyang mag-correspond ang laki ng graph base sa individual performance ng mga estudyante for the current grading period. More or else, naipaalam na naman ito ni Mrs. Ilagan sa class so hindi na ito confidential. Kailangan lang niyang mag-submit ng report sa principal in this format.
Habang nagtuturuan pareho sina Jill at Mrs. Ilagan kung aling ang iki-click sa menu ng Excel para sa graph ay biglang tumunog ang phone ng teacher sa loob ng handbag nito.
“Wait lang, Jill, ha? Baka ‘yung panganay ko na ‘to. Itatanong kung anong iluluto kong dinner pag-uwi ko.” Paalam ni Mrs. Ilagan habang nilalapitan ang handbag na nakalagay sa isang stool para kunin ang tumutunog niyang phone.
“Sige po.” Sagot naman ni Jill habang pumipili ng tamang options sa menu ng Excel.
Hindi sinasadyang napatingin si Jill sa mga nakabukas na tabs sa screen ng laptop. Isa sa mga tabs ay may filename na ‘Pageant Questionnaires’. Kaagad tiningnan ni Jill si Mrs. Ilagan. Okupado pa rin ito sa kausap sa phone. Nakatalikod pa ito sa kanya.
Binuksan ni Jill ang tabs na may filename na ‘Pageant Questionnaires’. Isa itong Word file kung saan nakalista ang mahigit sampung mga questions na paniguradong itatanong sa magiging finalists sa Miss Teen Earth pageant bukas. Tiningnan ulit ni Jill ang teacher. Nakatalikod pa rin ito at in deep conversation pa rin sa phone.
Kabado si Jill sa biglang naisip gawin. Pero hindi niya palalagpasin ito. Lalo na kung ang posibleng maging resulta nito ay iuwi niya ang title na Miss Teen Earth. Dinukot kaagad ni Jill ang sariling phone sa bulsa ng suot niyang denim short at mabilis na kinuhanan ng litraro ang questionnaire na nasa screen ng laptop. Saka mabilis niyang ibinalik ang phone sa bulsa. Saktong nai-minimize na ni Jill ang Word file ng questionnaires nang matapos ang phone call ni Mrs. Ilagan at lumapit ulit sa tabi ni Jill. At this time, na-figure out na rin ni Jill kung paanong lalabas ng maganda ang charts sa Excel sheet na tinatapos ng adviser niya.
“Ayan na po, Ma’am. Okay na po ‘yung charts.” Proud pang pinakita ni Jill sa teacher ang gawa niya.
“Ang galing mo naman, Jill!” Natuwa naman si Mrs. Ilagan. “Sa ‘yo na nga lang ako magpapatulong sa mga Excel functions if ever na hindi available si Carol.”
Tumayo na si Jill sa upuan para makaupo na ang adviser niya sa harap ng laptop nito. “’Yan lang po ba, Ma’am or may ipapaayos pa kayo?”
“Nothing else, Jill. Ise-send ko na lang ‘to as an attachment sa email ko kay Principal and then I’m on my way home na rin. Thanks again, Jill! You help me a lot today!”
“My pleasure, Ma’am. See you tomorrow sa Foundation Day!” Masiglang nagpaalam si Jill sa adviser.
“Right! Good luck nga pala sa competition, Jill, for the Miss Teen Earth! Kahit sino sa inyo ng best friend mong si Chloe ang manalo, basta part ng block section natin, I’m all for it!”
Automatic na napahawak si Jill sa bulsa ng denim shorts kung saan nakalagay duon ang phone na pinakuha niya ng picture sa questionnaire. “I’ll give my best shot tomorrow, Mrs. Ilagan. Goodbye po!”
Tiyempong lumalabas si Jill sa The Good News office nang makita siya nina Francis and company na duon din pala dumaan palabas ng school. Tinawag siya agad ni Francis. Ni-ready naman agad ni Jill ang sarili kung magiging irate na naman ang boyfriend. Makikipagmatigasan rin siya dito.
Pero hindi inasahan ni Jill na makikitang parang maiiyak si Francis nang lumapit ito sa kanya. “Sorry, Jill. I acted like an idiot earlier. Bati na tayo, please? ‘Wag mo na ‘kong awayin.”
Natawa si Jill sa sinabi ng boyfriend. “Ikaw nga itong nang-aaway, eh. Nagseselos ka masyado, hindi naman dapat.”
Inadvertently natakpan ni Chloe ng kamay ang bibig niya. May accusation kasing gustong lumabas sa bibig niya nang marinig ang statement na iyon ni Jill.
“Since bati na kayong dalawang love birds, puwede na ba nating puntahan si Reginald sa house nila? Ite-text ko lang siya na on the way na tayo.” Sabi naman ni Iñigo habang nakaakbay kay Sara.
“Hindi pa rin.” Sagot naman ni Jill na pinayagan na rin akbayan siya ni Francis. “Bukas na ‘yung pageant and it’s already stressing me out. I need time to prepare and also to rest well. I’m sure Chloe also feels the same way. Right, Chloe?”
Nag-agree naman duon si Chloe. “Actually, I also need to prepare, Iñigo. Nag-promise sa ‘kin si Daddy na ipe-prep niya ako for the Q and A tomorrow. Puwede naman natin bisitahin si Reginald right after Foudation Day. Free naman ako this weekend.”
“Madi-disappoint ‘yun.” Panggi-guilty ni Iñigo sa kanila.
“Hayaan mo ngang ma-disappoint ‘yang si Reginald! Sinabihan na siya dati ni Chloe na tigilan na ‘yung skateboarding kasi hindi naman niya nagamay. Ayaw niyang papigil. Kaya mag-suffer siya ngayon sa sprain niya!” Gigil na gigil naman sa galit si Sara.
“Ang laki ng galit mo du’n sa tao.” Sita ni Iñigo sa girlfriend.
“G na G lang talaga ako sa matitigas ang ulo.” Sagot naman ni Sara.
Natawa naman si Chloe kay Sara dahil parang mas concerned pa ito kay Reginald kesa sa kanya. Gusto din namang dalawin ni Chloe si Reginald, pero bilang kaibigan. Chances are pag pinuntahan niya ito sa bahay while recuperating sa accident niya, kahit kasama pa niya ang iba nilang kabarkada, mami-misinterpret na naman ito ni Reginald. Iisipin nito na ang concern niya dito as a friend ay concern para sa isang lover. ‘Yun pa naman ang pet peeve niya. Kahit anong pigil naman niya kay Reginald na huwag na siyang ligawan, hindi naman ito nakikinig. Kagaya sa hilig nito sa skateboarding. Kahit delikado na sports, lalo’t wala ka naman skill para sa ganu’ng laro, lalapit at lalapit sa ‘yo ang aksidente.
Dahil hindi nagpakita ng interest sina Chloe at Jill na dalawin si Reginald that night, nag-decide na lang sila na pumunta muna sa malapit na McDonald’s outlet para makapag-light snack bago umuwi.