-PHOTOGRAPHER FOR HIRE. LOOKING FOR YUAN. JEALOUSY IN THE AIR-
MABILIS namang nakarating sa opisina ng school paper nilang The Good News si Felix. Umookupa ito ng maliit na kuwarto sa administration building ng The Good Earth Academy. Cramp ang hitsura sa loob. May ilang computer terminals ang naka-install sa isang side ng kuwarto. May malaking bulletin board na kung sana naka-map ang timeline nila para sa binubuong paper for each month. Dagdag pa rito ang conference table na nakalagay sa gitna ng opisina kung saan nakaupo ngayon ang bumubuo ng staff ng school paper.
“Bakit tayo may emergency meeting? Anong nangyari?” Tanong agad ni Felix pagkapasok sa opisina at makitang parang pinaglalamayan ang mga kasamahan niya, lalo na ang hitsura ni Carol.
“Wala na tayong official photographer.” Si Carol ang sumagot sa tanong niya.
“Ha? Bakit? Nag-back out na ba si Alistair?” Tanong ulit ni Felix habang umuupo sa natitirang empty seat sa conference table.
“Linus, ikaw na nga magsabi. Ikaw naman nakasagap ng news.” Parang wala nang energy magkuwento si Carol kaya ipinasa na sa iba ang pagsagot sa mga questions ni Felix.
“Nagpunta na pala si Alistair sa States kaninang umaga lang. Malubha na kasi ‘yung Lola n’ya du’n. Bone tumor. Hindi na yata magtatagal kaya nagpunta na sila ng family niya du’n. Nag-send na lang ng email kanina lang din kay Mrs. Ilagan ‘yung father ni Alistair. Last week pa pala sila nakabili ng ticket. Hindi lang agad naka-inform kasi busy sa preparations.” Kuwento naman ni Linus.
“Kaya pala hindi ko na siya nakikita madalas dito sa school since last week. Maski na du’n sa computer shop kung saan nakakalaro ko siya sa Dota madalas, missing in action din siya.” Sabi naman ni Ricky.
“Pa’no ‘yan? Sino nang kukuha ng pictures para sa event bukas, lalo na sa Miss Teen Earth? Si Alistair lang naman ang may DSLR camera sa ‘tin.” Si Pepper ang nag-voice out ng worry na naiisip nilang lahat.
“Itatanong ko kay Kuya Chito ‘yung Canon camera niya kung puwedeng mahiram. Pero malabo rin siguro kasi maraming tanggap na photo shoot projects si Kuya. And even if mahiram ko, may marunong ba sa inyong gumamit? Kasi ako, I have no idea how to use it. It’s bulky, it’s heavy and the camera interface alone is like a mathematical problem I could never figure out how to solve.” Si Carol na imbes makaisip ng solution ay isang dosenang problema agad ang biglang naiisip.
Tumingin si Carol kay Felix. Hinihintay na magbigay siya ng suggested answer para sa pinoproblema nila.
Napatingin si Felix sa terracotta na flower pot na nakalagay sa ibabaw ng conference table. Pero instead na ang problema tungkol sa camera at photographer na kukuha ng photos para sa event bukas ang iniisip niya, natuon ang pansin niya kung gaano niya ka-hate ‘yung fake pink tulips na nakalagay sa flower pot. Bakit hindi na lang kase lagyan ng totoong halaman o bulaklak itong flower pot na ‘to para may natural fragrance silang maamoy tuwing may meeting sila dito sa office at hindi ‘yung masangsang na air freshener ‘yung palaging naamoy.
Naisip ni Felix na i-suggest na lang na camera phones na lang gamitin sa event bukas as fallback kung wala na talagang options nang biglang may magsalita na hindi nila kasama sa staff ng school paper.
“Don’t worry. Ako na lang muna ang magiging photographer n’yo bukas.”
Lahat sila napatingin sa pinto. Naiwan pala iyong bukas ni Felix nang pumasok siya sa opisina nila at nakatayo na duon ngayon si Yuan. Apparently, napakinggan na nito ang reason ng emergency meeting nila.
Napansin ni Felix na abot-abot ang hininga ni Yuan at may namumuo pang pawis sa noo. Tumakbo ba ito mula sa The Pearl Theater papunta dito?
“Sigurado ka, Yuan? Hindi hassle sa ‘yo, ha? Almost whole day naming gagamitin ang photography expertise mo.” Warning ni Carol dito.
Ngumiti lang si Yuan. “No hassle. I’m really glad to help.”
Nakahinga ng maluwang si Carol. “That settles it!” Good mood na ito dahil hindi na nila poproblemahin ang pag-take ng pictures sa Foundation Day at sa pageant bukas.
Sabay-sabay nagpasalamat ang staff ng The Good News kay Yuan.
“Thank you, Crushie!” Si Linus.
“Thank you, Yuan!” Si Pepper.
“Thanks, Pare!” Si Ricky.
In-acknowledge naman lahat ito ni Yuan. Pero si Felix na nagugulat pa rin kay Yuan at sa inaakto nito ay nakamata lang sa binata. Nang mapatingin sa kanya si Yuan ay kinindatan siya nito saka ngumiti.
Hindi alam ni Felix kung bakit parang naapektuhan siya sa gesture na iyon ni Yuan. Bigla siyang napababa ng tingin at pinagmasdan na lang ang pinaka-despised niyang fake tulip na nasa terracotta flower pot.
--------
MATAMLAY si Chloe habang inaayos ang gamit niyang dinala sa practice sa The Pearl Theater. Napalitan na rin niya ang maxi dress na suot kanina to a more casual outfit. Kaya siya matamlay, paano kasi pagkatapos na pagkatapos ng practice, nagmamadali agad umalis si Yuan. Umalis daw kasi bigla si Felix. Baka daw nagtampo at nainip sa kanya. May usapan kasi sila nito na aalis right after school pero na-delayed dahil nga kailangang um-attend ni Yuan sa practice para maging partner niya sa pageant.
Grabe naman ang concern niya sa feelings ni Felix. Ganu’n na ba agad sila ka-close? Hindi napigilang isipin ni Chloe habang kine-cleanse ang mukha niya ng wet wipes.
“Wala na agad si Yuan?” Bungad na tanong sa kanya ni Jill nang lapitan siya sa front row malapit sa puwesto nina Iñigo at Sara na panay ang kuha ng selfie habang hinihintay silang matapos makapag-ayos.
Napatingin si Chloe kay Jill. Halata ang yearning sa mukha ng kaibigan na makausap sana si Yuan kahit sandali. Bakit si Yuan ang hinahanap mo? And’yan ang boyfriend mo, o! ‘Yun sana ang gustong sabihin ni Chloe kay Jill para mapahiya ito pero hindi niya kayang tarayan ang kaibigan.
“Umalis agad. Hinahanap si Felix. Nawala kasi bigla.” Sagot ni Chloe habang itinuloy ang paglilinis ng mukha.
“Sayang. Gusto ko pa namang tingnan ‘yung watch na suot n’ya. Parang ‘yung MR-G line up ng G-Shock ‘yung kanya, eh. The one with the red accent. ‘Yun kasi ‘yung isa-suggest ko kay Mom na gift namin kay Dad for his coming birthday. Kaya I want to see it up close sana.” Parang narinig ni Jill ang tanong sa isip niya ang todo-bigay pa ng dahilan kung bakit hinahanap si Yuan.
“Okay.” Hindi convinced si Chloe na tungkol sa gift para sa Daddy ni Jill totoong dahilan. Saka ang alam niya mahilig sa mga classic style ng watches si Daddy Tony. Hindi nito magugustuhan ang watches na target for millennials.
“Si Yuan na naman pinag-uusapan ninyo, ano? Puro na lang kayo Yuan! Ganyan ba talaga kalakas ang dating nu’ng bagong transferee sa inyo? Pati kami ni Reginald nakakalimutan n’yo na?” Suspetyosong tanong ni Francis kina Chloe at Jill.
“Nag-usap na tayo kanina, Francis, ‘di ba? Bakit bino-brought up mo na naman ‘yan? Nakakapikon ka na!” Nagalit agad si Jill. Hindi nito nagustuhan ang approach ni Francis sa kanila.
Sina Iñigo at Sara, natigil sa pagkuha ng selfies at napatingin na rin sa nagaganap na eksena.
“I can’t help it, Jill! You’re so fixated on this guy! And I’m seeing it with my own two eyes!”
“Cut the drama, Francis! You’re acting the jealous boyfriend kanina pa and I’m sick of it! Feeling ko tuloy nasa scene tayo ng isang stupid, cheesy na soap opera that I’m about to p**e at your feet right now. So, please, enough of it already!”
Na-notice ni Chloe na hindi nag-deny o nag-confirm si Jill sa accusation sa kanya ni Francis about kay Yuan. Instead, binalik niya sa boyfriend na naririndi na siya sa pag-a-act out ng jealousness ng boyfriend.
Gusto pa sanang makinig ni Chloe sa magiging takbo ng pagtatalo ng dalawa nang mag-ring ang phone niya. Si Reginald. Gustong mag-connect sa kanya via video call.
Lumayo ng bahagya si Chloe bago sinagot ang tawag. “Kamusta ka na?”
“Sino ‘yung guy na kasama mo kanina?” Bungad agad na tanong ni Reginald sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha.
“Ha?” Hindi agad nag-sink in kay Chloe kung sino ang guy na tinutukoy nito. “Ah! Si Yuan. Bagong transferee sa class natin. Siya ‘yung nag-replace sa ‘yo to be my partner. Nakita mo pala ‘yung practice namin kanina.”
“Oo. Kitang-kita ko din ‘yung sweetness n’yong dalawa.” Lumabas na ang tunay na nasasaloob ni Reginald.
“I don’t like the tone of your voice.” Nadismaya na si Chloe sa inaakto ng kausap.
“Ano ba kasing meron sa guy na ‘yun? Pati si Sara guwapong-guwapo din du’n.”
“Wow! You’re literally mimicking Francis right now. You know what, I don’t have to answer your question because we’re not even together in the first place. Goodbye!”
“Wait! ‘Wag mo muna ibaba. I’m...” Hindi na natuloy ni Reginald ang sasabihin dahil na-disconnect na ni Chloe ang tawag.
“Chloe, mauna na ‘ko sa inyo, ha? Uwi na ako.” Paalam sa kanya ni Jill nang madaan siya. Naglalakad na ito papunta sa exit dala-dala ang gym bag na pinaglagyan niya ng mga gamit.
“Jill, ‘di ba bibisita pa tayo kina Reginald tonight so we could cheer him up because of his injury? Bakit aalis ka na?” Habol na tawag ni Iñigo kay Jill.
“Kayo na lang. Wala ako sa mood!” Sagot ni Jill na tuloy-tuloy na ang lakad sa exit.
Pagtingin ni Chloe kay Francis ay masamang-masama ang mukha nito. Obvious na sa hindi maganda nauwi ang usapan nila ni Jill.