FELIX BUMPS INTO CHLOE PATAPOS na ang nilalarong baseball ni Jervy sa Little Marionette Montessori. Currently nasa ninth inning na sila ng game. Nasa hitter position ngayon si Jervy. In full concentration si Jervy. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa pitcher at sa bolang ibabato nito. Inayos din niya ang firmness ng grip niya sa baseball bat. Nang finally i-release na ng pitcher ang ball, na-anticipate agad ni Jervy ang bilis at velocity nito. Kaya sakto ang pag-swing niya ng bat. Squarely na natamaan ang bola at agad itong bumulusok palayo. Sinamantala iyon ni Jervy para tumakbo at ilapag ang mga paa niya sa mga bases sa palibot ng playing field. At this point, sigurado na ang panalo ng team ni Jervy. Pagkasayad na pagkasayad ng sakong ng shoes niya sa huling base para sa kanyang home r

