BLOCKED ON SOCIAL MEDIA “SO, kamusta ka na, Reggie? You think kaya mo nang pumasok on Monday even if hindi pa fully healed ang sprain mo?” Tanong sa kanya ni Jill habang umiinom ng Mountain Dew sa dala nilang plastic cup. “I guess. I mean, I have to. Simula na ng mid-term exams natin on Monday. Magagalit sa ‘kin sina Mom and Dad, especially si Dad, if I flunked. Kaya I need to be physically present next week kahit masakit pa sprain ko.” Sagot naman ni Reginald na automatic pang napahawak sa naka-cast niyang binti. “Ikaw din kasi may kasalanan niyan! Ilang beses ka nang ni-remind ni Chloe na huwag munang mag-attempt na gumawa ng advance tricks sa skateboarding kasi hindi ka pa naman masyadong sanay. Pero gusto mo pa yata na ma-aksidente ka muna bago mo ma-realize ‘yung mistake mo!” Tumig

