-CHLOE’S HESITATION. FELIX’S ESTRANGEMENT- ANG kuya ni Reginald na si Justin ang nagpatuloy sa kanila. Ikinuwento pa nito na ang Daddy nila ay nasa Baguio para um-attend ng business conference at sumama dito ang Mommy nila para isabay na rin ang wedding anniversary celebration nila. Kaya silang dalawa lang ni Reginald ang nasa bahay ngayon. “Ang dami n’yong food na dala, ah!” Nakangiting pansin nito nang makita buckets ng fried chicken, boxes of pizza at mga litter bottles ng softdrinks na bitbit nila. “Puntahan n’yo na lang si Mokong d’yan sa room niya. If you need anything, katok lang kayo sa kuwarto ko.” Sabi pa sa kanila ni Justin bago pumasok ito sa sariling kuwarto. Naunang pumasok sa kuwarto ni Reginald si Jill kasunod si Francis na sinundan naman ni Sara., dala nila ang pasalub

