-ON THE WAY TO REGINALD’S HOUSE- PATI rin pala si Jill ay tinitingnan din ang latest f*******: post ni Chloe na uploaded picture nilang dalawa ni Yuan. Panay din ang tingin niya sa mga nag-like at react sa picture. Pero mas binibigyan niya ng pansin ang heart emoji reaction ni Yuan sa uploaded picture. Marami tuloy pumapasok sa kanyang theories and assumptions sa heart emoji na iyon ni Yuan. Curious tuloy siyang malaman kung ang mga details sa naging impromptu date nina Chloe at Yuan last night. Ano kaya ang napag-usapan ng dalawa? Nag-confess na ba sila ng feelings sa isa’t-isa? Nag-kiss kaya sila before they call it a night? Napalakas tuloy ang pag-inhale niya ng smoke ng sigarilyo niya habang nakasandal sa Ford Escape na sasakyan ni Iñigo. Hindi dapat si Chloe lang ang maging close ka

