TALENT PORTION. FELIX GETTING GRUMPY NAGSIMULA na ang talent competition ng Miss Teen Earth pageant at kanya-kanya ng pakita ng natatangi nilang talento ang mga kandidata. Kagaya ng naisip na gawing performances nina Chloe at Jill, karamihan sa mga sumali ay singing and dancing ang ipinakita. Iba-iba nga lang ang variations. Sa mga candidates na ang napiling talent na ipakita ay pagkanta, may mga kumanta ng ballads at love songs, may kumanta ng mga pop rock songs at meron din isang kumanta na hango sa pamosong Broadway musical na Les Miserable, ang On My Own na pinasikat ni Lea Salonga nang gumanap siyang Eponine na hango naman sa classic novel ni Victor Hugo. Sa mga candidates na ang talent ay pagsayaw, may sumayaw ng popular dance songs nina Ariana Grande, Calvin Harris at Marshmello.

