BACKSTAGE TENSION PAGKATAPOS rumampa ng pinakahuling candidate ng Miss Teen Earth ay isa-isang bumalik ang mga contestants sa backstage kasabay ng mga escorts nila. “I better get dressed up. Otherwise, baka mamatay na ako sa sobrang embarrassment.” Sabi ni Yuan kay Chloe bago sila maghiwalay sa backstage. “Bakit ka ba masyadong conscious? Haven’t you notice? You stole the show from us kanina.” Sagot ni Chloe habang isinusuot ulit ang acid wash jacket na hinubad niya kanina. “Ayun nga ang ayaw ko. Parang I stole the limelight from everyone. Nahihiya na tuloy ako sa mga kasama mong contestants.” “There’s nothing to be ashamed of, Yuan.” Hinawakan pa ni Chloe sa isang balikat ang ka-partner. “Truth be told, baka nga naiinggit pa ‘yung iba d’yan sa ‘kin dahil ang guwapo at ang kisig ng es

