SHIRTLESS YUAN “ALRIGHT, ladies and gents! Let’s welcome back our candidates showcasing their summer wear outfits.” Masiglang announce ng emcee na si Ron-Ron. Isa-isang pumasok ang mga contestants suot-suot ang best summer wear get-up nila kasabay ang kani-kanilang mga escorts habang sinasabayan sa kanilang paglalakad ang upbeat music na New Romantics ni Taylor Swift. Kaniya-kaniyang posisyon sa stage ang mga candidates kasama ang escorts. Abala sa pagkuha ng still photos ng mga candidates si Felix gamit ang hawak niyang Canon camera nang marinig niyang biglang lumakas ang ingay ng mga audience. Especially ng mga girls na estudyante na nanunuod. Ibinaba tuloy niya ang camera para tingnan kung bakit nagmistulang may nagaganap nang pandemonium sa loob ng theatre sa lakas ng ingay. Kaya pal

