THE FALL OUT OF FRIENDSHIP ANG bar manager na si Raul pa ang nagdala ng simple chocolate cake sa mesa nina Jesse. Napuno ng excited gasps at series ng ‘oooh’ at ‘aaah’ nang ilapag ni Raul ang cake dahil may tatlo candle sparklers pa kasing nakatusok sa center radius nito. “On the house for the birthday boy.” Nakangiti pang sabi ni Raul. Ostensibly na napahawak pa ang dalawang kamay ni Jesse sa magkabilang pisngi habang pinagmamasdan ang cake na nasa harap niya. “Thank you, Raul! Ramdam ko talaga ‘yung pagiging special ko ngayong birthday ko. Pero baka puwedeng humirit sa ‘yo ng isang beer tower na on the house na rin.” Natawa duon si Raul. “Sige. Repeat customer ka naman eh. Anong gusto n’yo? Red Horse?” “Please.” Nakangisi na ngayon ng maluwang si Jesse. “You’re the best, Man!” Nagbu

