MOON IN THE SKY. RAIN AND REALIZATION NAKAHIGA sa hood ng kotse si Yuan habang tinatanaw ang tanglaw ng bilog na buwan sa langit. May pa-ilan-ilang mga bituin din mamataan sa paligid nito at kalat-kalat na mga ulap na tila nagmamadali sa pagkilos dala ng marahang ihip ng hangin. Inabot na ng gabi si Yuan sa pagkukuwento ng naging fall-out nila ng best friend niya sa former school nito. Si Felix na katabi niyang nakaupo sa hood ng kotse at nakatingin rin sa liwanag ng buwan ay nagbaba ng tingin para apuhapin ang mukha ng katabi. “Pero hindi mo naman fault na may gusto sa ‘yo ‘yung girlfriend ng bestfriend mo. Bakit ikaw lang ang ibe-blame niya? Unfair naman ‘yun sa ‘yo, ‘di ba?” “Hindi pa kumpleto ‘yung nakuwento ko sa ‘yo.” Sagot ni Yuan na nakatingin pa rin sa langit. “Pareho kami ni

