NAALIMPUNGATAN si Jen mula sa mahimbing niyang pagkakatulog dahil sa taong naglilikot sa kaniyang tabi. Bahagya itong kumilos sa kaniyang puwesto. Mayamaya, kahit inaantok pa ay dahan-dahan nitong iminulat ang kaniyang mga mata. Unang bumungad sa kaniyang paningin ay ang nakangiti at guwapong mukha ng kaniyang asawa. "Morning sleepy head." bati ni Esrael sa asawa at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi nito. "Morning?" kunot ang noo, inaantok at namamaos ang boses na tanong ni Jen. "Umaga na ba, irog ko?" "Yup!" sagot ni Esrael. "Did you sleep well?" tanong nito at umangat ang palad sa ulo ng asawa at masuyo iyong humaplos doon. Inaayos ang magulo nitong buhok. "Mmm!" anang Jen na tumango pa. "Umaga na pala? Akala ko nakaidlip lang ako." anito. "It's already ten in the morning

