"MASAYA talaga ako para sa inyo ni sir Esrael." nakangiting saad ni Elvie kay Jen habang nasa hardin sila ng mansion. Abalang nag didilig ng mga halaman si Jen samantalang nakaupo naman si Elvie sa gilid ng swimming pool at nakalunoy ang mga paa nito sa tubig. "Lalong-lalo na para sa 'yo." dagdag pa nito. "Salamat." nakangiti ring saad ni Jen. Saglit nitong itinigil ang kaniyang ginagawa pagkuwa'y nagpakawala ng malalim ngunit banayad na buntong-hininga. "Alam mo, sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos na makapaniwalang kasal na kami ni Esrael. I mean, ang tagal ko ring nag tiis at nag dasal na sana mangyari nga ang lahat ng ito sa amin." anito. "Alam mo 'yong feeling na para kang inililipad sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan mo? Dahil sa labis na pagmamahal sa 'yo

