"HEY! Why are you smiling alone?" nagtatakang tanong ni Esrael sa kaniyang asawa nang pagkabukas niya sa pintuan ng kanilang kuwarto ay ito kaagad ang bumungad sa kaniya habang nakaupo sa gilid ng kama. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Jen nang mapatingin ito kay Esrael. "Nandiyan ka na pala, irog ko." anito at kaagad na tumayo sa kaniyang puwesto para salubongin ang asawa. Kaagad naman siyang niyakap ni Esrael. Ipinulupot niya sa baywang ng asawa ang mga braso pagkuwa'y tinanggap ang halik nito sa kaniyang mga labi. "Are you happy?" tanong ni Esrael matapos nitong pakawalan ang mga labi ni Jen. Hindi niya maiwasang mapangiti rin. Well, Jen's sweet smile is just contagious. Sunod-sunod na tumango si Jen bilang tugon sa kaniya. "Can I know why my wife is happy right now?" "Na

