"ARE you sure you're okay, chiquita?" tanong ni Esrael sa kaniyang asawa matapos niyang iabot rito ang baso ng tubig. Tumabi siya sa pagkakaupo nito sa gilid ng kanilang kama. "Tell me." aniya. Matapos uminom ay inilapag ni Jen ang baso sa bedside table pagkuwa'y saglit na tinapunan ng tingin ang asawa. Tumango ito bilang tugon. Si Esrael naman ang mataman na napatitig sa kaniya mayamaya. "I know you're not." anito at hinawakan niya ito sa kamay. "Tell me. May problema ba?" tanong nitong muli. Esrael could not count how many times he asked his wife if she's alright. At puro tango lamang ang sagot nito simula pa kanina. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jen sa ere. Ilang segundo itong hindi umimik. Mayamaya'y dinukot niya sa bulsa ng kaniyang short ang PT na ginamit niya kani

