CHAPTER 41

1710 Words

"ARE you okay hija? Kanina ka pa tahimik diyan! Masama ba ulit ang pakiramdam mo?" untag na tanong ni Mindy kay Jen habang naglalakad na sila palabas ng mall. Nasa Department Store pa lamang sila kanina'y napapansin na niya ang biglang pananahimik nito. "Are you okay?" ulit na tanong nito. Wala sa sariling napatingin naman si Jen sa ginang nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang balikat. "P-po?" "I said if you're okay? Kanina ka pa tahimik." "Um, o-opo! Okay lang po ako." "Are you sure?" Isang pilit na ngiti at tango naman ang ginawang tugon ni Jen sa ginang 'tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad. Simula kanina'y hindi na nawala sa isipan niya ang mga sinabi ng babae sa kaniya. Ewan ba niya kung totoo ba talaga itong manghuhula o nagpapanggap lamang para gambalain siya lalo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD