"GOOD MORNING!" nakangiting saad ni Elvie nang makitang pumasok sa pinto ng kusina si Jen. Dali-dali itong tumayo sa kaniyang puwesto at nilapitan ang kaibigan. "Magandang umaga, señorita." mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti nito pagkuwa'y ipinulupot ang mga kamay sa braso ni Jen. "May gusto ka bang kainin para sa agahan mo? Sabihin mo at lulutuin ko." saad pa nito. Ngunit hindi naman umimik ang una. Agad na natigilan si Elvie kasabay ng biglang paglaho ng ngiti sa kaniyang mga labi nang makitang hindi manlang siya nginitian ng kaibigan. Nanlulumong bumitaw ito sa braso ni Jen. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong nito habang matamang nakatingin dito. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga nang tanging sulyap lamang ang natanggap niya mula rito. Siguro nga'y galit pa rin ito sa

