MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jen sa ere. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang isipan ang mga nangyari kanina. Nag aalala siya kung sakali mang totoo ang kutob niya at kung totoo ang sinabi sa kaniya nang manghuhula. Pero hindi maaaring mangyari na si Elvie ang babaeng tinutukoy nito. Kaibigan niya si Elvie at ni minsan ay hindi niya naman nakitaan ng kakaibang kilos ang dalaga sa tuwing nariyan ang kaniyang asawa. Noon ngang hindi pa sila naikakasala ni Esrael ay ito ang madalas na kasama ng lalake. Mabait ito at ramdam niyang botong-boto ito para sa kanilang dalawa ng kaniyang asawa. Mabilis na ipinilig ni Jen ang kaniyang ulo upang iwaglit ang mga bagay na gumugulo sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. "Masiyado ka lang nag iisip ng mga bagay, Je

