"CHIQUITA!" nag-aalalang lumapit si Esrael sa kaniyang asawa nang makita niya ang mga luhang namalisbis sa pisngi nito. "W-what happened?" tanong pa nito at akma na sanang hahawakan sa kamay ang asawa ngunit mabilis naman itong pumiksi. Nabitawan pa ni Jen ang hawak na envelope maging ang larawan. Kunot ang noo namang yumuko si Esrael at dinampot ang mga iyon. Napatingin itong muli sa asawa matapos matitigan ang picture na hawak niya. It was him and Elvie. Magkasama sila sa kaniyang sasakyan. Nakahalik sa gilid ng labi niya ang babae. At kung hindi siya nagkakamali, kuha ang larawan na iyon noong nagdaang araw. "W-wife—" biglang natigilan sa pagsasalita si Esrael nang mabilis na dumapo sa kaniyang pisngi ang palad ni Jen. "Sinungaling!" singhal ni Jen sa asawa kasabay ng sunod-sunod na pa

