ALAS-OTSO pa lamang ng umaga nang magising si Jen kinabukasan. Pagkalabas nito sa silid ng kaniyang abuela ay nagtungo kaagad ito sa kusina para kumain. Wala pa sana siyang balak na bumangon kanina dahil natatamad pa siya; pero dahil nag aalburuto na naman ang kaniyang sikmura at gusto na niyang kumain ay wala na siyang nagawa kundi ang bumangon at lumabas ng kuwarto. Sigurado rin kasi siya na kung hihintayin niya ang kaniyang lola para hatiran siya ng pagkain, mamaya pa iyon. Dahil alam nito ang bagong oras ng gising niya simula nang magbuntis siya. "Oh apo! Ang aga mong gumising?" takang tanong ng matandang Rosing nang makita nito si Jen. "Nagugutom na po ako lola." sagot nito habang hinihimas ang tiyan at naghihikab pa. "Ganoon ba? Teka lang at ipaghahanda kita." anito at kaagad na t

