NAHIHILO at umiikot ang paningin ni Jen nang magmulat siya ng kaniyang mga mata. Nanlalabo man ang paningin ay pilit nitong inaninag ang medyo madilim na lugar na kinaroroonan niya. Nagtataka siya kung nasaan siya sa mga sandaling iyon. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento. Mayamaya ay napalingon siya sa gawing likuran niya nang may marinig siyang mahinang boses doon. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang may lalakeng ding nakahiga sa sulok. Muli itong dumaing habang pinipilit nitong kumilos. Kunot ang noo na pinakatitigan ito ni Jen. "M-miguel?" sambit niya sa pangalan ng tauhan ng kaniyang asawa. She can't be wrong. It's him. Si Miguel nga ang naroon. "S-señorita!" mahina at halatang nahihirapan na saad ng binata. "Miguel! Diyos ko!" biglang napatuto

