"WHAT happened to Diego?" bungad na tanong ni Don Demetrio sa kaniyang mga anak habang nasa sala ito at naghihintay sa pagdating nang mga ito. "He is in the jail now." sagot ni Abraham sa kaniyang ama. "Oh! Diyos ko! Maraming salamat naman at nahuli kaagad siya." anang Nana Rosing. Tila nabunutan ito ng malaking tinik sa dibdib. "Maraming salamat sa inyo." "Nana Rosing, hindi na po kayo iba sa amin." anang Alihan. "And besides, Jen is our sister-in-law." saad pa nito at pabagsak na umupo sa malambot na sofa. "You don't have to worry nana Rosing." singit din ni Judas. "Hey, Esrael. Puntahan mo na si Jen kung nasaan man siya ngayon. You need to fix your problem with your wife." turan nito sa kapatid. "You know where she is? At ano'ng problema ang sinasabi ng kapatid mo?" magkasunod pang

