"NAKAHANDA na po ang mga tauhan señorito." anang isang lalake nang makalapit ito sa puwesto ni Esrael. "Good!" anito at kaagad na inilibot ang paningin sa buong paligid. "Where is Miguel by the way? Kagabi ko pa siya hindi nakikita?" tanong niya. He was looking for him since last night. Huli niya itong makita at makausap ay doon sa labas ng penthouse ni Judas. And after that, til now hindi niya pa ito nakikita uli. He was trying to call him, pero out of coverage ang cellphone nito. "Hindi ko pa po siya nakikita simula kanina señorito. Pero huwag po kayong mag-alala, kapag nakita ko po siya ay sasabihan ko kaagad siya na hinahanap ninyo siya." "Thank you!" saad na lamang nito. "We're ready!" anang Abraham nang lumapit din ito sa puwesto ni Esrael. "Where are they?" kunot ang noo na t

