"WE CAN use my connections para mas mapadali ang paghahanap natin kay Diego. Lalo na ang paghuli sa kaniya." anang Judas habang may hawak itong rock glass na naglalaman ng cognac. Nakadikuwatro pa itong nakaupo sa single couch. "I have my connections too." saad naman ni Uran habang nagsasalin ito ng alak sa kaniyang baso. "Puwede ko silang utusan para i-trace ang location ni Diego ngayon. Para mas mapadali ang paghahanap natin kay Jen." saad pa nito. "Good idea." anang Abraham sa dalawa. "But um, by any chance, do you think may kasabwat siya rito?" kunot ang noo na tanong pa nito sa mga kasama. "I mean, sigurado akong hindi lang siya ang nasa likod nito. Hindi siya kikilos ng mag-isa lang. Lalo pa't kilala naman niya ang taong kinalaban niya. Mali na si Esrael ang binangga niya." dagdag

