MY life stopped when Crystal died. Parang nakulong ako sa isang madilim na silid, hindi alam kung paano makakalabas at walang liwanag na nakikita. At hanggang ngayon, kahit ilang buwan na ang nakakalipas ay alam ko sa sariling nasa loob pa rin ako ng silid na 'yon... nakakulong. Kaya sa nangyari, nawalan na ako ng paki sa sarili ko. Nawalan ng gana sa buhay. Umabot pa sa puntong gusto ko na lang tapusin ang paghihirap kong ito. At... hindi ko alam na dahil sa ginagawa kong 'yon, bukod sa akin na pagod na sa buhay ko, ay may ibang tao pala ang napapagod din nang dahil sa akin. Wala akong kamalay-malay. Masyado akong nalunod sa sakit at kalungkutan na nararamdaman ko. Nawalan ako ng paki sa sarili pati na rin sa mga taong nasa paligid ko. Kaya kahit ang sarili kong asawa ay hindi ko na nai

