WHEN I woke up, the first thing I saw was the white ceiling. Kumunot ang noo ko nang matantong hindi ito pamilyar sa akin. Sinubukan ko ang bumangon mula sa pagkakahiga ngunit agad din natigilan nang maramdamang tila ang bigat ng katawan ko. Ramdam ko na rin ang pagsidhi ng sakit sa ulo ko. "You're finally awake." Napunta ang atensiyon ko sa taong nagsalita. Bumungad sa akin ang blangkong mukha ni Archer. Napalunok ako. Doon ko naramdaman ang panunuyot ng lalamunan. Tila ba uhaw na uhaw ako. Kumunot ang noo ni Archer nang mukhang napansing may kakaiba sa akin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bangkong nasa gilid lang ng hospital bed. "Are you okay? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Umiling ako. "Wa...water." Agad na tumalima si Archer nang marinig ang gusto ko. Nilapitan niya an

