Chapter 56 - Overdose

2009 Words

"I AM sorry for your loss." Blangko lang akong nakatingin sa bisitang lumapit sa akin. Ni hindi ko magawang tugunin ang sinabi niya. Napabuntong hininga si Archer na nasa tabi ko. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin bago itinuon ang atensiyon sa taong nasa harapan namin. Siya na ang nakipag-usap sa kanya. Inalis ko na ang atensiyon sa kanila at muling bumaling sa harapan, kung nasaan ang kabaong ni Papa. Napapalibutan ito ng mga bulaklak bilang disenyo. Naka-display rin sa gilid lang ng kanyang kabaong ang isa niyang larawan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa ama ko. Nitong nakaraan, naging madalas na ang pagkakasakit niya. Dala na rin ng katandaan niya. Pero hindi ko inaasahang tuluyan na siyang mamamaalam sa amin ng pamilya niya. Naputol ang pag-iisip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD