"HINDI ka ba dadalawin ng mga kaibigan mo ngayon?" Umiling ako sa naging tanong ng ama ko habang patuloy sa pagkain. "Bakit?" tanong na naman niya. Nagkibit-balikat ako. Inubos ko muna ang laman ng bibig bago nagawang makapagsalita. "They are busy." Sa sinabi ko ay hindi na siya umimik. Napabuntong hininga na lang siya at tumingin sa ina ko. Iniwas ko na ang mga mata sa kanila nang may mapansin sa kanila. Mababakas na naman sa mukha ng mga magulang ko ang pag-aalala. "Kirsten..." Sa pagkakataong ito, ang ina ko naman ang marahan na tumawag sa akin. Hindi ko na napigilan ang emosyon at malalim na bumuntong hininga. Blangko ang mukha ko nang tigilan ang pagkain at ibinigay ang buong atensiyon sa kanila. "Why, Ma?" "We just want to ask something..." Tumango-tango ako. "Go on." "Ma

