ANG sayang nararamdaman ko kanina ay unti-unting naglaho at napalitan ng pamomoblema. I'm pregnat, and my mama was right. Archer deserves to know about this. But... we're still not okay. Sinusuyo niya pa rin ako. At ako, sinusubukan pa rin siya. I want to test his patience and love for me. I want to see what he can do just to fix our marriage. I want to know... if he's still worth it or not. Oo nga't mahal namin ni Archer ang isa't isa, pero dahil sa nangyari sa amin nitong nakaraan ay hindi ko maiwasang magdalawang-isip sa relasyon naming dalawa. Natatakot akong baka maulit na naman ang nangyari noon. Na masasaktan na naman namin ang isa't isa dahil sa paglilihim at maling hinala. Naniniwala na akong walang namagitan kay Archer at Eliza, pero ang naramdaman kong sakit at takot noon na

