Chapter 50 - Strange

2330 Words

"HINDI ka pa ba magpapa-checkup?" kuryosong tanong ng ama ko habang nasa harapan kami ng hapag-kainan at nag-aagahan. Natigilan ako sa akmang pagsubo at napatingin sa kanila ni Mama. Marahan akong bumuntong hininga at inilapag ang mga kubyertos sa plato ko. "Hindi pa po, Pa." Agad na kumunot ang noo ng ama ko sa naging tugon ko. "Bakit hindi pa? Dapat ka na magpatingin, para malaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa pagbubuntis mo." "May balak naman po akong magpa-checkup... hindi nga lang sa ngayon." Nagkatinginan sila ni Mama. Mukhang hindi nila maintindihan kung bakit naging gano'n ang tugon ko. Napayuko ako. "Gusto ko sanang kasama ko si Archer sa unang checkup ko." Bigla silang nawalan ng imik. Nang muli akong mag-angat ng tingin sa kanila ay naabutan ko silang pinagmamasdan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD