MABILIS na napatayo si Tyler mula sa kinauupuan nang mapansin na ang pagdating ko sa kanyang harapan. Pareho kaming nagkatitigan hanggang sa pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Tumikhim ako para mawala na roon ang atensiyon niya. Muling natuon ang mga mata niya sa mukha ko. Hindi ko na lang siya inimik at naupo na sa upuang nasa harapan niya. Bumalik na rin siya sa kaninang puwesto. "How are you? I've been trying to contact you for weeks. What happened to you after that night? Are you okay?" sunod-sunod niyang tanong na punong-puno ng pag-aalala. Seryoso kong sinalubong ang mga mata niya. "Sorry. I turned off my phone, so no one could contact me," sabi ko. Marahan siyang tumango. "It's fine. I understand." Naging seryoso ang mukha niya. "What happened to you? Are you okay? Are

