"ANONG plano mo ngayon?" mapang-usisang tanong ni Eyah habang magkaharap kami. Nasa isang coffee shop kami ngayon. Marahas akong nagbuga ng hininga at seryoso siyang pinukol ng tingin. "Masyado na naming nasasaktan ang isa't isa, lumalalim na rin ang galit namin. Kailangan nang matigil 'to. At higit sa lahat, tama ang mga sinabi ng magulang ko kahapon. Ayaw kong tuluyang masira ang sarili ko dahil sa pagtitiis sa relasyon namin ni Archer." Kumunot ang noo niya. "So, what are you going to do now?" Hindi agad ako naka-imik at pinag-isipan ang ideya kung tama ba 'yon o mali. Pero sa huli, napagpasyahan ko pa rin ituloy ang kagustuhan. Lumalala na nang lumalala ang pag-aaway namin ni Archer. Kahit ang pansamantala naming paghihiwalay ay mukhang nakakadagdag sa lamat ng relasyon namin. Mas

