"MA'AM Kirsten, may delivery po para sa 'yo." Tumango ako sa empleyado ko. Inilapag na niya sa ibabaw ng lamesa ko ang hawak na paper bag. Nang makalabas na siya sa opisina ko ay agad kong binuksan ang paper bag na nasa harapan ko. Agad kong nalanghap ang amoy ng pagkaing laman nito. Bahagya akong napangiti. Binitbit ko ang mga 'yon sa center table at dito napagpasyahang kumain. Patapos na ako sa kinakain nang marinig ang pagtunog ng phone ko. Binitiwan ko ang hawak na kubyertos at kinuha ito mula pa sa office table ko. When I checked my phone, I saw a new message from Archer. He said, "I hope you like it." Bumaling ang tingin ko sa pagkaing nasa center table. Kakaunti na lang 'yon at malapit ko nang maubos. Marahan akong napabuntong hininga bago ibinalik ang atensiyon sa phone at

