PAGKATAPOS dumalo sa isang meeting ay agad na bumalik si Lucas sa kaniyang private office para makapagpahinga. Patamad siyang naupo sa swivel chair at pinikit ang pagod na mga mata. Napangiti siya nang makita ang magandang mukha ni Geri sa kaniyang isipan. In love na in love na yata talaga siya. Simula kasi nang makilala niya ang dalaga ay hindi na ito nawala pa sa isip niya. Hanggang panaginip ay ito pa rin ang nakikita niya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa sistema niya kung gaano kabango ang bibig nito at kung gaano kalambot ang mga labi nito noong halikan niya ang mga iyon. Ayaw din mawaglit sa isipan niya ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan nila sa gitna ng dagat noong isang araw. Kaka-uwi niya lang kahapon galing sa Puerto Galera pero miss na miss na niya agad si

