AFTER 2 days ay tuluyan nang gumaling si Geri. Nakabalik na rin siya sa trabaho pero si Lucas ay ayaw pa ring bumalik sa Maynila. Pagkatapos ng gig nila ay nag-inuman silang dalawa ni Lucas at walang sawang nagkwentuhan. “Hindi ka ba hinahanap sa opisina niyo? Baka naman napapabayaan mo na ang trabaho mo nang dahil sa ‘kin.” “Hindi naman. May laptop at internet access naman kaya nakakapag-work ako kahit nandito ako. Kung p’wede nga lang dito na ako titira para lagi tayong magkasama.” seryosong wika nito habang magkahinang ang kanilang mga mata. “Bakit ba napaka-bolero niyong mga lalaki? Sa umpisa, napaka-sweet niyo pero pag nagtagal nang-iiwan kayo sa ere.” Naparami na ang nainom na alak ni Geri kaya hindi niya namalayan na humuhugot na pala siya. “Wag mo nga akong ikumpara sa ex m

