4

1180 Words
HINDI maipinta ang mukha ni Lucas habang bumababa sa ferry boat. Sa totoo lang ay kanina pa siya naba-bad trip dahil nag-cancel on the spot ang dalawang kaibigan niya na dapat ay kasama niya ngayong mag-bakasyon sa Puerto Galera. Iyong isa ay nag-back out dahil nagkaroon daw ng emergency meeting sa opisinang pinagtatrabahuhan nito habang ang isa pa niyang kaibigan ay bigla na lang daw hindi pinayagan ng girlfriend nito. Fully paid na kasi ang V.I.P. room na kinuha nila kaya naman nanghinayang siyang ipa-cancel ang kanilang reservation dahil sa no refund policy ng resort. Well, salamat sa mga kaibigan niya at mae-experience niya for the first time na magbakasyon nang mag-isa. Samantalang ang dalawang iyon pa mismo ang pumilit sa kaniya noon para sumama siya sa Puerto Galera para raw makapag-relax siya at sandaling makalimutan ang mga problema niya sa opisina. Matapos makababa sa ferry boat ay kinuha niya ang cellphone at tinext ang resort kung saan siya mag-stay ng 3 days and 2 nights… nang mag-isa. Pinaalam niya sa staff ng resort na nasa port na siya at hinihintay ang susundo sa kaniya. Binigay niya rin ang description ng suot niyang damit para madali siyang makilala ng susundo sa kaniya. Agad namang may nag-reply sa message niya at sinabing paparating na ang babaeng susundo sa kaniya. Lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ni Lucas dahil ang tagal bago dumating ng sundo niya. Kung minamalas nga naman talaga. "YOU'RE LATE." bungad kay Geri ng isang matangkad na lalaki habang naglalakad siya palapit ito. Ito na marahil ang isa sa mga susunduin niya ayon sa descriptions ng suot nitong royal blue na polo at itim na maong shorts na lagpas tuhod ang haba. Nakasimangot ito habang nakatingin sa kaniya. Tumingin siya sa suot na wristwatch. He’s right, she’s 10 minutes late. Napakamot siya sa ulo. 10 mins. lang ang O.A. naman ata ng lalaking ‘to. "Sorry sir, medyo traffic kasi." alibi niya. "That's not a valid excuse." patuloy na pagsusungit ng lalaki. “I know, sir. Again, I am very sorry.” buong pagpapakumbaba niyang wika. Kasalanan niya naman talaga kung bakit siya na-late dahil tinanghali siya ng gising dala ng hang over. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Amanda kanina. Mukhang napapabayaan na niya talaga ang trabaho niya sa resorts. “By the way, I’m Geri Acosta.” nilahad niya sa tapat nito ang kanan niyang kamay. “Lucas Alegre.” tipid nitong tugon, hindi man lang tinanggap ang pakikipag-kamay niya. "Let's go. Pagod na ako. Gusto ko nang makapagpahinga." Nauna na ito sa paglakad. Ni hindi man lang binitbit ang malaking backpack na kanina ay nakasandal sa paanan nito. Saka lang sumimangot si Geri nang mawala sa paningin niya si Lucas. "Antipatiko!" naiinis na bulong niya sa sarili. Lalong umasim ang mukha ng dalaga nang buhatin niya ang backpack ng lalaki. Sobrang bigat kasi niyon. Muntik pa nga siyang ma-out of balance nang isuot niya ang dalawang straps ng bag sa kaniyang likuran. Tumakbo siya sa direksyon ng masungit na lalaki kahit nabibigatan sa bag na nakasukbit sa kaniyang likuran. Kailangan kasi ay maunahan niya ito sa paglakad para maturo niya ang daan patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyang dala niya. “Nasaan po ang mga kaibigan niyo, sir?” tanong niya nang makahabol dito. “Kayo lang po ba mag-isa? Akala ko tatlo kayong magkakasama.” Kunot ang noong bumaling ito sa kaniya. “Bakit may nakikita ka bang kasama ko?” Umikot na lang ang mga mata ng dalaga dahil sa kasungitan ng kausap. Inisip niya na lang na kulang sa aruga ang lalaking ito kaya saksakan ng gaspang ang ugali nito. Nang malapit na sila sa sasakyan ay pinindot ni Geri ang auto unlock key ng kotse. Binuksan niya ang pinto ng backseat. Nang makapasok ang binata ay marahan niyang sinara ang pinto ngunit ang totoo ay gusto niyang ibalibag iyon sa sobrang inis dito. Binuksan niya ang trunk ng sasakyan at inilagay doon ang backpack tapos ay pumuwesto na siya sa driver’s seat. "Ikaw ang magda-drive?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. Nakatingin ito sa rear view mirror ng saksayan at nakatingin sa repleksyon niya. "Yes, sir." Binuksan na niya ang makina pati ang stereo ng sasakyan. Makikinig na lang siya ng music para naman kahit papaano ay mabawasan ang pagka-bad trip niya dahil sa lalaking ito. "Bakit, sir? Ngayon lang po ba kayo nakakita ng babaeng nagda-drive?" hindi na niya napigilan ang pagiging sarkastiko. Lalong kumunot ang noo ng binata. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. "May I see your license, please?" "Sure, sir. One moment." Kinuha niya ang driver’s license sa bulsa ng suot niyang pantalon at inabot iyon sa lalaki. Binasa nito ang mga nakalagay sa lisensya niya. "Non-pro lang?” Binalik na nito sa kaniya ang lisensya. Isang matamis na ngiti ang pinukol niya rito kahit na ang totoo ay bwisit na bwisit na siya kanina pa, baka kasi sakaling madala sa charisma niya ang lalaki at mabawasan ang pagka-antipatiko nito sa kaniya. "Don't worry, sir, maingat naman po akong mag-drive. You’re in good hands.” pumihit pa siya paharap sa lalaki at kinindatan ito. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Sinadya niyang ingatan ang pagmamaneho para hindi magreklamo ang ‘super duper V.I.P.’ na sakay niya. Napaka-antipatiko! Akala mo kung sino. Gigil na sabi niya sa sarili. Naiinis man ay pinilit pa ring maging kaswal ni Geri rito. Ang sabi nga nila, ‘Customer is always right.’ “By the way, sir, is this your first time here in Puerto Galera? Maraming magagandang beaches dito sa lugar namin na perfect for island hopping. Aside from that, marami ring magagandang pasyalan dito. Kung gusto niyo, ire-recommend ko kayo sa magaling na tour guide na kakilala ko.” Hindi tumugon ang binata. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana ng sasakyan. Napa-iling na lang ang dalaga. Kung hindi lang ito customer ng resort nila ay kanina pa niya ito pinatulan. Hindi na kumibo pa si Geri at nag-focus na lang sa pagda-drive. Nilibang niya na lang ang sarili sa pakikinig ng music sa radyo na sinasabayan niya ng pagkanta. Nakatulong naman iyon para kumalma ang pakiramdam niya. Hanggang sa makarating sa resort ay hindi na sila nag-usap pa ng lalaki. Nang makababa ito ng sasakyan ay sinalubong ito ng ibang staff nila at binigyan ng welcome drinks. Si Geri naman ay dinala na ang sasakyan sa parking lot tapos ay bumalik na sa kwarto niya para muling magpahinga. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo niya dahil sa hang over at pakiramdam niya ay lalo iyong sumakit dahil sa antipatikong lalaking sinundo niya sa port kanina. Pina-akyat niya na lang sa isang tauhan nila ang napakabigat na bag ni Lucas at pinahatid iyon sa kwarto nito. Sa totoo lang ay ayaw na niyang makaharap pang muli ang lalaking iyon dahil baka sa susunod na sungitan siya nito ay hindi na siya makapagpigil at mapataulan niya ito, lalo na ngayon na may matindi siyang pinagdadaanan at galit siya sa mundo, most especially sa mga lahi ni Adan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD