3

1120 Words
NANG makapasok si Geri sa sariling silid ay padapa siyang nahiga sa kama. Sinubsob niya ang ulo sa unan at doon pumalahaw ng iyak. Hindi niya nai-lock ang pinto ng kaniyang silid kaya naman nakapasok si Yani. “Anyareh sa iyo, friend?” nag-aalalang tanong nito. Naupo ito sa sa kama at hinimas-himas ang likod niya. “Yani,” parang bata na sinubsob niya ang ulo sa dibdib nito at mahigpit itong niyakap. “Niloko niya ako. Nakabuntis siya ng ibang babae at magpapakasal na sila.” “Ano?” “Mga hayop sila! Magsama sila ni Mikee sa impyerno.” “Sinong Mikee? Yung waitress natin?” “Oo.” “Sira ulo pala ang dalawang ‘yon, eh.” naiinis nitong bulalas. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Geri. Patuloy naman si Yani sa pag-alo sa kaibigan. “Mahal na mahal ko siya, Yani. Parang hindi ko kakayaning mawala siya sa buhay ko.” “Tahan na, Geri. Marami pang lalaki d'yan na mas deserving sa pagmamahal mo. Sabi ko naman kasi sa iyo sasaktan ka lang ng playboy na ‘yon. Kalimutan mo na ang walang kwentang Zion na ‘yon, okay?” Tumangu-tango siya ngunit ang totoo ay hindi niya alam kung paano gagawin ang sinabi nito. Paano niya makakalimutan ang isang lalaking minahal niya nang labis? PAGBUKAS pa lang ng bar ay nandun na agad si Geri at umiinom ng alak. Napapa-iling na lang si Yani habang pinagmamasdan ang matalik na kaibigan. Kanina pa kasi ito tahimik na umiiyak. Wala siyang pasok ngayon. Naka-leave siya ng two days. Noong una ay ayaw pa siyang payagan ni Amanda, ang may-ari ng resort na kanilang pinagtatrabahuhan, dahil Friday night ngayon ay maraming tao sa bar ngunit nagpumilit si Geri. Sobrang sakit ng iniwang sugat ni Zion sa puso niya kaya naman pati ang pagtatrabaho ay hindi niya magawa ng maayos. Naawa naman sa kaniya ang amo kaya wala na itong nagawa kundi ang pagbigyan siya. Simula kasi nang maulila si Geri sa mga magulang ay si Amanda na ang kumupkop sa kaniya kaya naman parang anak na rin ang turing nito sa kaniya. Wala itong sariling pamilya dahil myembro ito ng pederasyon. Simula nang maghiwalay sila ni Zion halos isang buwan na ang nakakaraan, ay wala siyang ginawa kundi ang maglasing. Nakakatulong kasi sa kanya ang alak para panandaliang makalimutan ang sakit sa kanyang dibdib. Kaninang umaga ay ginanap ang kasal nina Mikee at Zion kaya naman ganun na lang ang lungkot at sakit na naghahari sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak baka sakaling mabawasan ang kirot sa kaniyang dibdib, baka sakaling makalimutan niya ang panlolokong ginawa sa kaniya ng lalaking minahal niya ng buong puso. “Besh, isa pa nga.” aniya sa kaibigan. “Geri, tama na iyan. Lasing ka na.” “Kaya ko pa. Ako pa ba? Malakas ata ‘to.” buong pagmamayabang niyang sabi subalit halatang lasing na. Namumula na ang kaniyang mukha at namumungay na ang kanyang mga mata. “Sabi mo sakin dapat kalimutan ko na si Zion, ‘di ba? Paano ko siyang makakalimutan kung hindi mo ako bibigyan ng alak?” “Oo, sinabi ka sa iyong kalimutan mo na siya. Pero huwag mo naman sanang sirain ang sarili mo. Maawa ka naman sa atay mo.” buong pag-aalala nitong sabi. Nginitian niya na lang ang kaibigan at buong pagmamaka-awang tumingin dito. “Sige na, besh. Bigyan mo pa akong alak.” Napabuntong hininga na lang ito. Mag-iisang buwan na simula nang maghiwalay sina Geri at Zion. Nakasal na nga ang huli sa ibang babae, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on si Geri. Palagi pa ring malungkot ang dalaga at halos gabi-gabi ay naglalasing. Sa totoo lang ay awang-awa na si Yani sa kaibigan. Sana lang talaga ay maka-move on na si Geri at makalimot na sa nangyari. “Yani, may mali ba sa akin?” mayamaya ay tanong niya rito. Nagsimula na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Minahal ko naman siya nang husto. Inalagaan ko siya pero bakit hindi pa rin sapat? Pinagpalit niya ako sa iba dahil ba hindi ko siya pinagbigyan sa kama?” “Geri, there’s nothing wrong with you, okay? Sira ulo lang talaga ng lalaking iyon. Ipagpapalit ka lang sa malanding waitress pa.” naiinis nitong bulalas. “Saka okay na rin na walang namagitan sa inyo kasi lalo kang masasaktan kung pati ang katawan mo ay nakuha niya.” “Mas maganda ba si Mikee kaysa sakin?” Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Sira! Walang sinabi ang hitsura n'on sa ganda mo, ‘no? Mukha ngang bakla ‘yon sa sobrang kapal ng make up niya.” “Pero bakit iniwan niya pa rin ako?” Hinubad ni Yani ang suot nitong apron tapos ay lumapit sa kaniya. “Tama na, Geri.” pang-aalo nito tapos ay niyakap siya. “Kalimutan mo na si Zion. Hindi siya nararapat para sa pagmamahal mo. Marami pang ibang lalaki d'yan. Sa ganda mong iyan siguradong makakatagpo ka agad ng iba, iyong higit pa sa kaniya, iyong lalaking hindi ka paiiyakin at sasaktan.” “Yani.” yumakap din siya sa kaibigan at humagulgol ng iyak sa balikat nito. SOBRANG sakit ng ulo ni Geri nang magising siya kinaumagahan. Pungas-pungas na kinuha niya ang tumutunog na cellphone sa ilalim ng unan upang sagutin ang tumatawag, si Amanda. “Thank, god nagising ka rin.” bulalas nito. Ilang minuto na kasi itong tumatawag sa kanya. “Bakit, mamang?” namamalat ang tinig niyang tanong. Halatang antok na antok pa ang dalaga. “Anong bakit? Friday ngayon. May susunduin ka sa port, ‘di ba?” Napabalikwas siya ng bangon sa sinabi nito. Every Friday kasi ay off ng driver ni Amanda kaya naman siya ang laging sumusundo sa mga guests nila sa port. Bukod kasi sa driver ni Amanda ay siya lang ang matinong mag-drive sa mga tauhan nito at mayroong valid license. “s**t! Oo nga pala.” Narinig niya ang pagpalatak nito sa kabilang linya. “Kasi naman inom-inom. Hay, naku! Geri, itigil mo na nga iyang bisyo mo.” “Sorry naman, boss. Eto na nga babangon na.” Nagpaalam na siya sa amo at dali-daling tinungo ang banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos punasan ang basang mukha ng tuyong towel ay naglagay lang siya ng pulbos at pinusod na lang ang mahaba’t alon-alon niyang buhok. Simpleng t-shirt and ripped jeans ang napili niyang suotin tapos ay patakbo nang nagtungo sa parking lot kung saan nakaparada ang kotseng gagamitin niya. Sa pagkaka-alam niya ay tatlong binatang mula sa Maynila ang susunduin niya sa port ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD