MATAPOS makipag-usap kay Amanda ay bumalik muna si Geri sa kaniyang silid para magpalit ng damit. Hindi niya kasi gusto ang amoy ng suot niyang damit nang mga sandaling iyon. Isang itim na spaghetti strap top at tattered jeans ang sinuot niya. Sa sobrang pagmamadali ay pinusod na lamang niya ang buhok at hindi na naglakagay pa ng make up. Dali-dali na niyang tinungo ang pinto. Gano'n na lang pagkabigla niya matapos mabuksan ang pinto ng kaniyang silid at makita ang lalaking nakatayo sa labas na tila hinihintay siya. Napangiti ito nang makita siya. "Geri." "Zion?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Lumapit ito sa kaniya sabay abot ng isang bouquet ng bulaklak. "P'wede ba tayong mag-usap?" Iniwas niya ang mga mata sa dating kasintahan hindi niya rin tinanggap ang bulaklak nito. "Wala n

