48: STAY WITH ME

2088 Words

MULING tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Geri nang tuluyang makapasok sa bahay nila Lucas. Makalipas ng dalawang taon ay hindi niya akalaing muli siyang babalik sa lugar na ito. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Maayos naman ang buong bahay dahil madalas magpunta rito si Yani kapag gusto nitong mapag-isa at ito na rin ang naglilinis ng bahay. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. At least maisasauli niya kay Lucas ang bahay na ito nang malinis at maayos. Sinandal niya ang katawan sa pinto at pumikit nang mariin. Hinayaan niya lang dumaloy ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin si Lucas kaya mabigat para sa kaniya ang desisyong nabuo ng kaniyang isipan. Kailangan na niyang tapusin ang ugnayan nila ni Lucas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD