47: SO YESTERDAY

2020 Words

NATIGILAN si Geri sa pagpasok sa opisina ni Amanda nang makita kung sino ang ‘V.I.P. customers’ na tinutukoy nito kanina, si Victoria, ang mommy ni Lucas at kasama nito si Pia. Naka-upo ang dalawa sa tapat ng office table ni Amanda. Agad siyang nakaramdam ng matinding kaba. Ano kayang ginagawa ng mga ito sa resort nila? Tumaas ang isang kilay ni Pia nang makita siya. "Finally, you're here." nakangiting wika ng dalaga ngunit halata ang pagka-irita sa presensya ni Geri. Napatingin si Victoria sa gawi niya. Seryoso ang mukha nito habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa, tingin na punong-puno ng panghuhusga, ng pang-iinsulto. Pinilit niyang ngumiti at naglakad na palapit sa mga ito. "Good afternoon." Naupo siya sa tabi ni Amanda na tila gustong manghingi ng saklolo rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD