ISANG mahabang hininga ang kumawala sa bibig ni Lucas matapos mabasa ang text message mula sa kaniyang ina. Kadarating lang daw nito sa resort na kinaroroonan niya kasama si Pia at sa ngayon ay naghihintay na ang mga ito sa labas ng nirerentahan niyang kwarto. Biglang kinabahan si Lucas dahil alam niyang gulo lang ang dala ng dalawa sa pagdating ng mga ito sa resort. Pakiramdam niya ay may binabalak na namang hindi maganda ang mga ito. Napatingin siya kay Geri na noon ay mahimbing na natutulog sa tabi niya. Sana lang ay hindi madamay si Geri sa kung anumang pinaplano ng mommy niya at ni Pia. Hinalikan niya ito sa noo. "Hindi ako makakapayag na may gawin silang masama sa 'yo." Mayamaya pa ay tumayo na siya at nagbihis. Matapos makapag-ayos ng sarili ay lumabas na siya sa silid ni Geri at

