"HOW DO I LOOK?" tanong ni Lucas kay Roselle nang huminto ang kotseng sinasakyan nila sa parking lot ng A&G Resorts, Batangas. Magkatabi silang naka-upo noon sa backseat. Sinadya niyang magsama ng driver para may maghatid kay Roselle pauwi sa Maynila mamaya. Plano niya kasing mag-stay sa resort na ito ng ilang araw kung sakaling magkita sila ni Geri. "Sobrang pogi mo, kuya. Siguradong mai-in love sa 'yo si ate Geri niyan." Napangiti siya sa sinabi nito. "Sana nga." "Let's go. Hinihintay ka na ng future girlfriend mo." Bumaba na si Roselle sa kotse. Si Lucas naman ay dinampot na ang isang bouquet ng red roses sa kaniyang tabi at lumabas na rin ng sasakyan. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Excited siyang makita ulit si Geri but at the same time ay

